Build, Build, Build’ lumikha ng higit 6k trabaho sa CAR noong 2019

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang massive infrastructure development agenda ng administrasyong Duterte ay nabebenipisyuhan ang libolibong pamilya na may mahigit 6,000 nalikhang trabaho sa Cordillera Administrative Region (CAR) nitong 2019 lamang.

Sa isang ulat ay sinabi ni Clifton Valencerina, chief ng Construction Division ng Department of Public Works and Highways (DPWH) –CAR na 6,711 trabaho ang nalikha mula Hunyo hanggang Nobyembre 2019, kasunod ng pag-apruba at paglabas ng PhP12.9 bilyon capitaloutlay ng rehiyon para sa 2019 na ukol sa 831 proyekto.

“Despite the delay in the implementation of the infrastructure projects, a total of 6,711 jobs were generated from January to December 2019,” ani Valencerina. Walang mga proyekto ula Enero hanggang Mayo dahil sa naantalang paglabas ng 2019 badyet.

Subalit, agad kasunod ng pag-apruba sa General Appropriations Act (GCAA) at paglabas ng mga pondo, ang mga infrastructure projects ay inumpisahan at isang kabuuang 436 proyekto ang nalikha noong Hunyo.

Mayroong 846 trabaho at tao ang nagkatrabaho sa mga proyekto na nagsimula noong Hulyo; 1,485 noong Agosto; 1,835 noong Setyembre; 1,234 noong Oktubre at 875 noong Nobyembre.

May karagdagang 420 trabaho ang nalikha rin lalo na ng eight high-impact, high profile at big-ticket projects sa mga probinsiya ng Apayao at Benguet.

Ang PhP790 milyon high-impact projects para sa 2019 ay kabilang ang dalawang proyekto sa ilalim ng Apayao-Ilocos Norte Road sa implementasyon ng Apayao First District, ang limang proyekto sa ilalim ng Benguet First at isa sa ilalim ng Benguet Second.

“These projects are major road projects that connect provinces and towns and are aimed at de-clogging the urban areas,” ani DPWH-CAR regional director Tiburcio Canlas.

Ang limang Benguet roads sa ilalim ng First District ay matatapos sa 2020. Sinabi ni Canlas na ipinanukala nila ang isang PhP14.523 bilyon capital outlay para sa 2020.

Sinabi niya na sa PhP14.523 bilyon na badyet para sa Cordillera, ang road preservation program ang pinakamataas ang magagastos sa 30porsiyento. Kasama dito ang road reblocking, preventive maintenance, slope protection at overlay of roads.

Ang badyet para sa “Build, Build, Build” ay 23 porsiyento ng kabuuan. Nakatutok ito sa road infrastructures gaya ng road network linkages, bridges at diversion roads.

Ang 21 porsiyento ng badyet ay nakalaan para sa food management programs, kabilang ang rehabilitasyon ng Abulog at Abra river basins kasunod ng convergence program sa 18 porsiyento.

Ang malaking bahagi ng 2020 budget ay para sa probinsiya ng Benguet sa 27 porsiyento kasunod ang Kalinga at Apayao na may tig-15 porsiyento, Abra (14 porsiyento), Ifuga (12 porsiyento), Mountain Province (11 porsiyento) at Baguio City (7 porsiyento).

LA-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon