Category: Daplis Walang Mintis

Digong vs. Leila, may round 2 ba?

Maalaala pa ba ninyo ang mga nakalipas na makapanindig-balahibong eksena sa buhay ni dating DOJ Sec. Leila De Lima at  senadora  sa kasalukuyan ay nakakulong dahil sa diumano’y drug charges? Maraming nagpiyesta sa kontrobersiyang yon kung saan nakalkal nang husto ang kanyang personal na buhay. Pati na ang isyu ng “bodyguard, driver, lover” at “pagsusubo […]

Tinimbang ka pero sira ang timbangan

Maryunes, akala namin ay sa mga palengke lang ang may mga dispalenghadong timbangan. Buong lipunan pala ang parang sirang timbangan, sigaw ng mga analyst! Paano nangyari ire? Paki-busisi nga ang daplis! Sige, pards, daplisan natin.

Halik ni Digong, susmaryusep!

Santamariang malalaki at maliliit, helppp! Bagong kontrobersiya na naman ang bumulaga sa bansa at maaaring buong mundo! Swak na swak men! Ang alin? Ang ‘lips to lips’ na eksena nina Pangulong Digong at isang misis na Pinay (Bea Kim)! Hanooo? May pelikula na si Digong? Wala, pards. Eksena yan sa isang pagtitipon ng mga kababayan natin […]

Sibakan sa mga korap, sige Pres. Digong!

Banat pa Pres. Digong, kontra mga korap sa gobyerno. Marami pa diyan! Yan ang sigaw ng bayan sapul nang tinuhog sunod-sunod ni Pres. Duterte ang mga korap na opisyal ng pamahalaan. Walang malakas sa kanya kung batik ka rin lang sa lipunan. Kahit kumapit ka pa sa kanyang mga kaibigan o kamag-anak, sibak ka rin! […]

Dengvaxia, may katapusan kaya?

Yan ang tanong – may katapusan pa kaya ang isyu ng Dengvaxia? O baka naman lalo pang aabot sa mas malalang sitwasyon? Bakit yan ang tanong sa kasalukuyan? Sige, upakan na natin ang kontrobersiyang ire.

Mapayapa ba talaga ang katatapos na eleksiyon?

Tapos na ang kontrobersiyal na Barangay at SK election. Siyempre marami pang kontrobersiya ang sumunod. Mula sa resulta ng bilangan, reaksiyon ng mga tumakbo – talunan at nanalo, reaksiyon ng mga botante lalo na ang mga walang pangalan sa listahan ng mga botante, mga hindi nakaboto sa maraming dahilan, nagampanan ng mga otoridad, pagdawit sa mga […]

Maraming sana tuwing eleksiyon, kilatisin!

Bisperas na ng Barangay at SK election. Handa na kaya lahat ng mga botante? At tiyak, parang mga maamong tupa lahat ng mga kandidato na lumalapit sa mga kabarangay. Kamay dito, yakap doon, kaway, ngiti at lahat ng bagay ay ginagawa upang mapansin ang mga tumatakbo. Kulang na lang na manikluhod upang makahatak ng simpatiya […]

Executive Order ni Digong, wala raw silbi?

Tapos na ang ngilin o selebrasyon ng Araw ng Paggawa o Labor Day. Ngilin para sa mga patuloy na nadidismaya o nagngingitngit pa rin sa kaganapan sa bansa kung buhay-manggagawa ang usapan. Selebrasyon naman para sa mga kuntento sa estado ng pagawa. Kayo…?

Boracay, sarado na; saan ang susunod?

Sarado na ang Boracay mula noong Abril 26. Tatagal daw ito ng anim na buwan. Tiyak, maraming taga-Boracay (residente at negosyante) ang maninibago. Una, wala ng turista kung saan sila kumikita. Ikalawa, malaking pera o revenues ang mawawala din sa panig ng pamahalaan. Ikatlo, pag-bukas ulit sikat pa rin kaya ito? Ang pangatlong kaba ang […]

Sibakan blues, sino ang susunod?

Kamakailan lang, sunod-sunod ang isyu ng sibakan. Mismong ang pangulong Duterte pa ang nagpapatunay. Ang dahilan – nagpabaya sa tungkulin at korapsiyon ang pinaka-dahilan. Tsk tsk, sorry na lang pero dapat lang na masibak kung hindi karapat-dapat sa kanyang puwesto. Tsupi bago maging salot at pabigat sa lipunan. Sayang lang ang buwis ng bayan para […]

Amianan Balita Ngayon