Category: Police Patrol
Magnanakaw, ibinalik ang cellphone sa may-ari
November 18, 2017
Isang magnanakaw na diumano’y tumangay ng cellphone ng isang 21-anyos na guro mula sa kaniyang bulsa habang abalang inilalagay ang kaniyang payong sa backpack sa kahabaan ng Session Road, Baguio City, hapon ng November 14, ang nagbalik ng dinukot na item sa may-ari. Huminto diumano ang biktimang si Gabriel Rulloda de Guzman, guro sa isang […]
Wanted na drug pusher, timbog
November 18, 2017
Matapos makatakas sa isang dragnet operation ang isang wanted na drug pusher noong nakaraang buwan, ngayo’y timbog na ng anti-narcotics agents at pulisya. Ang suspek na si Cliffort Lacambra Remolar, 48, widower, ay natimbog madaling araw ng November 14 sa San Luis Extension Barangay, Baguio City matapos ihain ng mga otoridad ang kaniyang warrant of […]
Dayuhang pusher ng party drugs, huli sa Baguio
November 18, 2017
Isang babaeng drug pusher na dumayo pa sa lungsod para magbenta ng ecstasy capsule, ang nasakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera (PDEA-CAR) sa isinagawang buy-bust operation sa harap ng hotel sa Kisad Road, Baguio City. Ayon kay Joseph Frederick Calulut, PDEA regional information officer, ang suspek na itinago sa pangalang Cherry, […]
Sagutan, nauwi sa pananaksak
November 18, 2017
Nauwi sa pananaksak ang panggugulpi ng grupo ng isang lalaki sa nakainitang lalaki sa harap ng isang tindahan sa Kalinga. Rumesponde ang mga tauhan ng Tabuk CPS, Kalinga PPO sa isang ulat ng pananaksak bandang 10:30pm ng November 13, sa intersection ng Roxas and Enriquez Streets, Dagupan Centro, Tabuk City, Kalinga.
Grade 12 students, sugatan sa sunog habang nag-aaral magluto
November 18, 2017
Nagtamo ng first degree burn ang dalawang estudyante habang nag-aaral magluto bandang 10am ng November 15, 2017 sa Pinukpuk Vocational School, Pinukpuk, Kalinga. Sa natanggap na ulat ng mga tauhan ng Pinukpuk MPS bandang 12:30pm ng parehong araw, ang mga biktimang sina Divina May Saw-ad Isit, 17, single, Grade 12 student at residente ng Brgy. […]
Construction worker, patay matapos makuryente
November 18, 2017
Agad namatay nang nakuryente ang isang trabahador sa ginagawang Campus Library Building ng Ifugao State University sa Bahawit, Poblacion West, Lagawe, Ifugao. Personal na inireport nina Mario Dariano Cargo, 43 anyos, may-asawa, foreman employee ni Engr. Clarence Buhong Construction, at residente ng Parista, Lupao, Nueva Ecija; at Engr. Michael Binwag Binuhi, 24 anyos, single, Project […]
Ginang, nasagasahan ng taxi
November 11, 2017
Nasagasahan ng isang taxi ang isang ginang bandang 7:55am ng November 9, 2017 sa kahabaan ng Otek Street, Baguio City. Kinilala ang biktimang si Estelita Barroga Ducay, 47, married, dentist, at residente ng 19-B, Sunflower Street, Lexber Subdivision, Balacbac, nasabing lungsod.
Taxi driver at tatlo pa, huli sa droga
November 11, 2017
Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera ang isang taxi driver at kasama nito matapos mahuling nagbebenta ng shabu, Martes ng gabi sa Barangay Campo Filipino, Baguio City. Nakorner ang isang 48-anyos na ginang at kaniyang kasamang driver na hayagang nagbebenta ng shabu. Ang suspek na si Leonardo Mayao, alias “Gringo”, 30 anyos, taxi driver, […]
Grade 1 pupil, nabundol sa Apayao
November 11, 2017
Nabundol ang isang Grade 1 pupil bandang 6:15pm ng November 8, 2017 sa kahabaan ng National Highway at Brgy. Quirino, Luna, Apayao. Ang biktima ay kinilalang si Marilou Arellano Ragsac, 7 anyos, grade 1 pupil ng Quirino Elementary School, at residente sa nasabing barangay.
2 sasakyan papuntang Baguio, nagkabanggan sa Kennon Road
November 11, 2017
Nagkabanggaan ang dalawang sasakyang papunta sanang Baguio City bandang 3pm ng November 9, 2017 sa Sitio Bridal, Camp 1, Kennon Road, Tuba, Benguet. Ang Isuzu Elf truck na may plakang RJU 543 at minamaneho ni Erwin Romero Domingo 41, married, at residente ng Molave, San Isidro, Tarlac City ay nasagi ang isang itim na Ford […]