Umiihing pulis, pinagalitan ang isang ministro dahil sa pagbusina

Ikinagalit ng isang pulis nang businahan ito ng isang ministro ng Iglesia Ni Cristo.
Ito ay matapos bigla na lang ipinarada ni Police Chief Inspector Alex Carino na nakatalaga sa Police Crime Laboratory ng lungsod ng Baguio ang kanyang maroon Isuzu Crosswind wagon AUV na may plakang AHN 473 sa gitna ng kalsada ng Queen of Hope, at bumaba ng sasakyan upang umihi habang naantala ang ibang motorista na kinabibilangan ni INC Minister Fyke Yanga Fernando, 21.
Sa ulat ng kapulisan ay nagbusina nang dalawang beses ang ministro na kasunod ng sasakyan ng inirereklamong pulis upang ipaalam dito na may ibang mga motorista na nasa likuran nito na nais makadaan.
Sinabi ng ministro sa mga imbestigador na nagalit ang pulis at sumigaw ng hindi magagandang salita laban sa kanya. “Di ka ba marunong mag-antay? Sino ka ba? Wala ka bang konsiderasyon, di ka ba marunong mag-antay? Di mo ba ako kilala?” ang pagsisigaw ng pulis matapos itong nagmura.
Patuloy sa pagsigaw ang pulis habang papalapit sa sasakyan ng ministro na tila nagbabanta.
Ang reklamo ng ministro ay dinala sa Lourdes Proper Barangay Office para mapag-usapan. ACE ALEGRE

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon