Congressman Go nais ang pribilehiyo sa matatandang mas mababa sa 100 ang edad

Sinabi ni Baguio City Congressman Mark Go na ang House of Representatives Bill (HB) 8208 na ipinapanukalang kapalit ng
Republic Act (RA) 10868 o ang Centenarian Act of 2016 ay inaprubahan ng committee on senior citizens.
Ang panukalang batas na nagpapanukalang magbigay ng cash incentives sa mga senior citizen na may edad, 85, 90, 95 at 100 ay inaprubahan ng House Committee on Senior Citizens.
“What we want to do is to advance these privileges to them before reaching 100 for them to feel and appreciate such distinct recognition,” ani Go, na siyang may-akda ng HB 8208, sa isang panayam.
Ipinaliwanag ni Go na bihira sa tao ang marating ang edad 100 o kahit pa ay hindi nila lubos na malasap ang mga benepisyo ng batas dahil sa nagdurusa na sa problema ng mga sakit.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang isang senior citizen na may edad 85 at 90 ay makakatanggap ng cash gift na P25,000. Ang mga may edad 95 ay tatanggap ng P50,000 at kung narating nila ang 100 ay
mabibigyan sila ng P100,000 bilang cash gift, ayon kay Go.
Sa ilalim ng Centenarian Law of 2016 ay mga mamamayang Pilipino na may edad 100 lamang ang makakatanggap ng cash incentive.
Maliban sa cash incentive ay makakatanggap din ang matatanda ng isang congratulatory letter mula sa pangulo ng Pilipinas.
“This will not be retroactive and there is no in-between application,” ani Go. Naging epektibo ang RA 10868 o “An act honoring and granting additional benefits and privileges to Filipino centenarians”, o kilala rin bilang “Centenarians Act of 2016”, noong Hunyo 23,2016.

Amianan Balita Ngayon