Dagupan ilulunsad ang cultural mapping sa tulong ng NCCA

Feb 24, 2018

LUNGSOD NG DAGUPAN – Ilulunsad ng Dagupan ang isang cultural mapping program sa tulong ng National Commission on Culture and the Arts (NCAA) sa layong protektahan at panatilihin ang historical at cultural sites ng lungsod gayundin ang mga ala-ala (relics) para sa pakinabang ng susunod na henerasyon.
Ito ay matapos pirmahan ni Mayor Belen Fernandez noong Lunes (Pebrero 19) ang isang memorandum of understanding kasama ang mga opisyal ng NCAA para sa pagsasagawa ng proyekto sa isang seremonya sa City Museum.
Kinatawan ng NCAA sa pirmahan si John Delan Robillos, vice head ng sub-commission on heritage ng NCAA, at Diwata Arawiran, NCAA project manager on cultural mapping.
Sinamahan ni city councilor Jeslito Seen, chairman on the culture and the arts ng Dagupan city council, si Mayor Fernandez.
Sinabi ni Seen na mahalaga ang proyekto dahil dalawang lugar lamang sa Dagupan ang idineklarang may historical at cultural value.
Ito ay ang lumang simbahan ng Dagupan na kung saan ang mga bakas ng huling sagupaan ng Spanish army laban sa mga Katipunero sa pamumuno ni Heneral Francisco Macabulos, gayundin ang landing site ng Liberation forces sa Bonuan Blue Beach.
Dumalo rin sa pirmahan sina city councilors Dennis Canto at Marcelino Fernandez, city administrator Farah Marie G. Decano, Dagupan Historical Culture and the Arts Office head Zenaida Sinlao, at Tourism Office head Sharon Maramba.
Kaugnay ang MOU sa Local Government Code na humihikayat sa mga local government units (LGUs) na siguruhin at suportahan ang preserbasyon at paglinang ng kultura sa kani-kanilang hurisdiksiyon.
Sa kasunduan ay kapuwa nagkasundo ang lokal na gobyerno at NCAA na magsagawa ng cultural mapping program sa lungsod sa kolaborasyon at koordinasyon ng bawat isa.
Pumayag din ang NCAA na magsagawa ng capability-building seminar-workshops para sa stakeholders na magsasagawa ng cultural mapping; magbigay ng technical assistance at mentoring sa buong panahon ng proyekto; magbigay ng transportasyon ng cultural mapping workshop facilitators sa lokalidad; at magbigay ng honoraria para sa cultural mapping workshop facilitators.
Sa kabilang dako ay isasa-ayos ng lungsod ang implementasyon ng proyekto; i-organize ang mga kalahok at local mappers para sa training workshop; magbigay ng logistics needs sa iba’t ibang yugto ng proyekto; magpasa ng mga ordinansa o resolusyon na susuporta sa proyekto; siguruhin ang tuloy-tuloy na implementasyon ng mga yugto ng proyekto hanggang matapos; at tumulong sa ibang LGUs sa Cultural Mapping Projects.
Sa isang briefing ay inihayag ni Mayor Fernandez ang kaniyang plano na ibalik ang mga guho ng Franklin Bridge, na dating nasa ilog ng Calmay hanggang sa ito’y sirain ng malaking baha noong 1932.
Plano ng iba na i-rehabilitate ang General MacArthur Park, ang lumang city hall, ang jackstones sa Tondaligan, ang water tower, ang lighthouse at ang Leonor Rivera piano na muling nakuha ng lungsod noong nakaraang taon mula sa Hiyas ng Bulakan Museum sa Malolos. PNA / ABN

RELATED POSTS

ADIVAY GRAND CANAO

ADIVAY GRAND CANAO

Benguet Rep. Eric Go Yap encourages the people of Benguet to support and be one in celebrating the 122nd Benguet Foundation Day as its...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest