DTI, may ‘Diskwento Caravan’ muli ngayong Mayo

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagsagawa muli ang Department of Industry – Cordillera Adminsitrative Region (DTICAR) ng isang “Diskwento Caravan” noong Mayo 1-7 upang makapagbigay sa publiko ng mga pangunahing bilihin sa mas mababang presyo.
“We have initiated and talked with our corporate social responsibility (CSR)-oriented supermarkets in Baguio to offer discounted price from May 1 to 7,” ani DTI-CAR director, Myrna Pablo noong nakaraang Biyernes.
Ang “Diskwento Caravan” ay naging regular na aktibidad ng DTI at isinasagawa ito bago ang panahon ng Kapaskuhan at sa pagbubukas ng pasukan sa mga paaralan upang mabenipisyuhan ang mga local na consumer.
Sinabi ni Pablo na ilan sa mga kalahok na establisimiyento ay ang Abanao Square, Triple A grocery, Sunshine Supermart, Tiong San Harrison, Tiong San La Trinidad, Porta Vaga Mall, SM Supermart, at Savemore.
Sinabi niya na mga malalaking establisimiyento ang mga ito na naghahandog ng mga quality na major at basic commodity na maramihan at sa retail.
Ang mga bilihin na may diskwento ay ang mga basic at prime commodity gaya ng garments at school supplies.
 
PNA/PMCJr./ABN

Amianan Balita Ngayon