Ilocos Sur naghahanda sa ika-200 anibersaryo ng probinsiya sa 2018

Feb 4, 2017

LUNGSOD NG VIGAN – Pinaghahandaan na ang selebrasyon ng ika-200 taon ng pagiging probinsiya ng Ilocos Sur sa Pebrero 2, 2018.
Ito ang inihayag ni Gobernador Ryan Luis V. Singson habang ginaganap ang Kannawidan Ylocos Festival 2017 na nag-umpisa noong Enero 27 at magtatapos sa Pebrero 12 dito sa lungsod ng Vigan.
Isang “royal decree” noong Pebrero 2, 1818 ang paghihiwalay ng Ilocos Sur at Ilocos Norte kung saan noo’y naging isang probinsiya ang Ilocos Sur na tinawag na rehiyong Ilocos at parte nito ang Luna, La Union at ang buong Abra.
Upang maganap ang selebrasyon ng araw na ito, inilunsad ang Kannawidan Ylocos Festival na ginaganap sa huling parte ng Enero hanggang ikalawang linggo ng Pebrero simula noong 1999.
Upang maging popular sa buong bansa ang kapistahan, naging bahagi na nito ang pag-iimbita ng gobyerno probinsiyal sa lahat ng empleyado ng gobyerno para maging parte ng mga aktibidad nito.
Ilan pa sa mga ginaganap sa kapistahan ay ang prusisyon ng mga patron nga mga bayan at siyudad ng lalawigan na ginaganap pagkatapos dumalo ng misa sa Saint Paul Cathedral sa siyudad na ito, “Period Costume Party” o pagtitipon na kung saan lahat ng mga dadalo ay dapat nakabihis ng kasuotang Pilipino, at tatlong araw para sa mga guro at mga estudyante na kung saan ay nagpapaligsahan ang mga bata sa mga sayaw at awiting nagpapakita ng kulturang Ilokano.
Iniimbitahan din ng gobyerno probinsiyal ang mga nasa ibang bayan upang umuwi at maibsan ang pangungulila sa mga kababayan.
Lahat ng ito ay paghahanda para sa selebrasyon ng dobleng sentenaryo ng Ilocos Sur bilang probinsiya sa 2018.
Umaasa ang gobernador at mga opisyal ng Sangguniang Panlalawigan na magiging kumpleto ang mga pamilya upang maranasan nila ang kakaibang kapistahang nagaganap lang sa loob ng 200 taon sa probinsiya. ICR/PIA-Ilocos Sur / ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest