KULANG BA ANG ANIM NA TAON?

Ang reporma sa konetitusyon sa Pilipinas o ang tinatawag na charter change (chacha) ay tumutukoy sa mga prosesong pulitikal at legal na kinakailangan para susugan o baguhin ang kasalukuyang 1987 Saligang Batas ng Pilipinas. Sa ilalim ng karaniwang interpretasyon ng konstitusyon, ang mga pagbabago ay maaaring maipanukala sa
alinman sa tatlong paraan: sa isang People’s Initiative, sa isang Constituent Assembly (Con-Ass) o sa isang Constitutional Convention (Con-Con).

Isang ikaapat na paraan kung saan ang parehong kapulungan ay magpapasa ng isang joint concurrent resolution na may isang supermajority na hindi bababa sa 75 porsiyento ay ipinanukala ni dating House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na isinumite sa Jouse of Representatives “Resolution of Both Houses No. 1”. Ang simpleng lehislasyon bilang pamamaraan na amiyenda ay nangangailangan lamang ng pag-apruba ng parehong kapulungan na hiwalay na boboto. Ang lahat ng panukalang pamamaraan ng pag-amiyenda ay dapat pagtibayin (ratify) ng isang majority vote sa isang pambansang reperendum.

Samantalang walang mga pagsusog sa 1987 Saligang Batas ang nagtagumpay ay may ilang prominenteng pagtatangka sa nakaraan, subalit wala ni isa ang nakarating sa ratipikasyon sa pamamagitan ng reperendum. May dalawang pagtatangka na baguhin ang Konstitusyon sa pamamagitan ng people’s initiative – ang isa ay sa panahon ng termino ni Pangulong Fidel Ramos at isa sa administrsyon ni Gloria Macapagal Arroyo na pangunahing palitan ang sistema ng gobyerno mula presidential sa parliamentary form.

Ang parehong pagtatangka ay tinaggihan ng Korte Suprema dahil sa kakulangan ng executory law na gagamitin sa people’s initiative upang baguhin ang Konstitusyon at ang hindi kumpleto na petisyon na nilagdaan ng mga petitioner na hindi sinabi kung aling mga probisyon ng Saligang Batas ang dapat baguhin. Noong 1997 ay nagpasiya ang Korte Suprema na ang pamamaraan ng People’s Initiative sa pagsusog ng Konstitusyon ay “lubhang depektibo”, o hindi gagana. Isa pang desisyon noong 2006 sa isa pang pagtatangka sa People’s Initiative ay sinabi ng pinakamataas na hukuman na labag ito sa konstitusyon. Kaya naiwan lamang ang Constituent Assembly at ang
Constitutional Convention ang makatuwirang mga pamamaraan upang baguhin ang Saligang Batas.

Sa administrasyon ni Pangulong Joseph Estrada ay may katulad na pagtatangka na baguhin ang 1987 Konstitusyon sa pamamagitan ng prosesong tinawag na CONCORD o Constitutional Correction for Development. Hindi gaya ng reporma sa konstitusyon sa ilalim nina Ramos at Arroyo, ang CONCORD, ayon sa mga nagsulong nito ay sususugan lamang ang mga restrictive economic provisions ng Saligang Batas na ikinonsiderang hadlang sa pagpasok ng mas maraming pamumuhunan sa Pilipinas. Muli ay pinadudahan ang hakbang na ito at sinabing ang panukalang mga
pagbabago sa konstitusyon ay makasarili at inakusahan ang gobyerno na isinusulong ang reporma sa konstitusyon para lamang sa sariling interes.

Sa ilalim ni Pangulong Benigno Aquino III ay may ilang panukala ang isinagawa ng iba’t-ibang miyembro ng Kongreso, kung saan ipinanawagan ni Senator Pimentel ang reporma sa konstitusyon para sa isang federal republic. Ilang mambabatas mula sa Mindanao ang nagpila ng panukalang batas na nagtutulak sa isang federal at
parliamentary government na karagdagan sa liberalisasyon sa ekonomiya.

Sa 2016 election ay sinabi ni Rodrigo Duterte na isang plebesito sa panukalang pagpapalit ng unitary state sa isang pederal ay gagawin sa loob ng dalawang taon, at nang manalo ay ipinanukala niya na muling buhayin ang panukalang uri ni Senator Nene Pimentel kung saan noong Disyembre 7, 2016 ay pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 10 na lumilikha ng isang consultative committee (ConCom) upang repasuhin ang 1987 Konstitusyon.

DA -RD EXPLAIN

BUWAN NA PAGMAMAHAL

Amianan Balita Ngayon