Lungsod nakapagtala ng 91 patay sa COVID-19 mula Oktubre 1-17

LUNGSOD NG BAGUIO– Nakapagtala ang lungsod ng 91 patay dahil sa Coronavirus disease (COVID-19) sa loob lamang ng 17 ataw mula Oktubre 1 hanggang 17 sa gitna ng pagsisikap nito na pigilin ang pagdami ng nga kaso dulot ng Delta variant.
Ipinakita ng datos mula sa UP Baguio Department of Mathematics and Computer Science at ng Baguio City Health Services Office na 22 sa mga namatay ay kabilang sa 50-59 taong gulang na grupong edad at 21 mula sa 70-79 bracket.
Ang 60-69 grupo ay may 18 patay; 80-89, 14 na patay;40-49, siyan ang namatay; 30- 39, tatlo; 90-99, dalawa ang namatay. Ang 0-9 at 20-29 na grupo ay may isang patay bawat isa habang ang 10-19 ay wala.
Sa 91, 71 ang hindi nabakunahan habang 17 ang lubos na nabakunahan, karamihan sa kanila ay kabilang sa 60-89 mga grupo. Tatlo ang isang beses na nabakunahan.
Nakapagtala ang lungsod ng pinakamataas na bilang ng namatay sa COVID-19 sa isang buwan noong Setyembre 2021 na 136.
Noong Abril at Mayo kung saan lumitaw ang pagdami dahil sa Alpha at Beta variant, ang mga namatay 85 at 53, ayon sa pagkakasunod. Ang kasalukuyang pagdami dulot ng Delta variant ay ang ikaapat na pagtaas ng lungsod matapos ang pagdami dahil sa Alpha at Beta at ang unang dalawng kaso ay lumundag noong Setyembre 2020 at noong Enero 2021 at ikinokonsidera ito na pinakamalala kung saan nalagpasan ang taas ng lahat ng nakalipas na pinakamataas na bilang.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon