Lungsod ng Baguio itataas ang taunang badyet

LUNGSOD NG BAGUIO – Matatag ang pinansiyal na estado ng lungsod kaya posibleng tuloytuloy na pagtaas ng taunang badyet nito, ito ang sinabi ng isang opisyal ng lungsod.
Base sa aktuwal na koleksiyon kumpara sa mga tantiya, ang pinakamalaking local internal source ay ang business at real property taxes at sinisiguro nito ang pagpondo sa 2019 approved budget ng lungsod na PhP2.175, ani City Accounting Department chief, Antonio Tabin, noong Lunes.
Tuloy-tuloy ang pagtaas ng taunang badyet ng lungsod sa average rate ng 10 porsiyento sa nakalipas na limang taon, o mula PhP1.395 bilyon noong 2014 sa PhP2.056 bilyon noong 2018.
Sinabi ni Tabin na ang opisina ng city treasurer ay nagpupursige upang masiguro na ang mga pondong kailangan sa operasyon at pangangailangan sa pampublikong serbisyo at imprastraktura ay nakokolekta mula sa pinanggagalingan.
Sa isang naunang panayam ay sinabi ni City Budget Officer Leticia Clemente na mahusay na pinamahalaan ng lokal na gobyerno ang kita at gastos nito sa pamamagitanng responsableng implementasyon ng mga polisiya, pamamaraan at fiscal decisions sa mga nagdaang taon na nagresulta sa isang napapanatiling pagtaas ng taunang badyet ng lungsod.
Noong 2014, ang taunang badyet ng lungsod ay PhP1.395 bilyon na umakyat sa PhP1.502 bilyon noong 2015; PhP1.622 bilyon noong 2016; PHP1.776 noong 2017; at PHP2.056 billion noong 2018.
“To be fair with the city treasurer ’s office, after the business permit renewal, they already started tax mapping, to check that establishments renewed their business permit to assure that the city collects the revenue needed to finance the operation,” ani Tabin.
Sinabi niya na nakatanggap ang lungosd ng aktuwal na koleksiyon na PhP2.027 bilyon. Nanggaling ito sa internal revenue collection na PhP836.364 milyon, at external revenue collection na PhP961.293 milyon, maliban pa sa beginning balance na PhP230 milyon.
Sinabi ni Tabin na ang mga kita ng lungsod ay mula sa beginning balance o mga pera mula sa nakaraang year’s overcollection,
savings, reversions, surplus adjustments; internal sources, gaya ng tax and non-tax revenues; at external sources, gaya ng internal revenue allotment mula sa city government, bahagi mula sa Philippine Economic Zone Authority, bahagi mula sa
National Wealth Tax, at sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Kabilang sa kita ng buwis ang real property tax collection at community tax habang ang non-tax revenues ay mga bayarin mula sa operasyon ng lugsod, gaya ng market fees, slaughterhouse fees at iba pa.
Bilang istratehiya ay nagbibigay ang opisina pampasigla sa mga taxpayers na nagbabayad ng maaga. Sa oras na nakapagbayad na ay binibigyan sila ng isang raffle ticket para may pagkakataon silang manalo ng mamahaling premyo.
Sinabi ni Tabin na may PhP28-million-under-collection base sa proected o estimated revenue collection bago ang 2018 kumparasa aktuwal na koleksiyon.
“When we were preparing our estimated revenue last year, we have anticipated that our proposed RTP (reportable tax position) will increase that is why we estimated PHP270 million, which is an
increase of PHP100 million from the previous year’s PHP170 million,” aniya.
“There is nothing to worry because undercollection does not mean the city government is unstable, it does not mean that there is a problem in the collection efficiency of the city,” ani Tabin.
 
PNA/ABN

Amianan Balita Ngayon