Mag-asawa, arestado sa illegal recruitment at estafa

Arestado ng pinagsamang tauhan ng Station 7 ng Baguio City Police Office at Baliwag Police ang mag-asawang Randy Cabu Magsilang, 43, tubong Bongabon, Nueva Ecija at Rizza Cruz Magsilang, 38, tubong Plaridel Bulacan, kapwa residente ng Milflora Subdivision, Barangay Sabang, Baliwag, Bulacan bandang 2:40pm ng Hulyo 16, 2018 sa kanilang tahanan.
Inaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Cecilia Corazon S. Dulay-Archog, presiding judge ng Regional Trial Court, First Judicial Region, Branch 6, Baguio City, sa ilalim ng Criminal Case Number 41650-R sa Illegal Recruitment na may piyansang P300,000 bawat isa; at sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Maria Clarita Casuga-Tabin, presiding judge ng Municipal Trial Court in Cities, Branch 4, Baguio City sa ilalim ng Criminal Case No. 138344 sa kasong Estafa na may piyansang P200,000 bawat isa.
Ang mga suspek ay nasa kustodiya ng PS7 ng BCPO para sa tamang dokumentasyon bago iturn-over sa korte.

Amianan Balita Ngayon