Malasakit center para sa mahihirap bukas na sa BGHMC

LUNGSOD NG BAGUIO – Mayroon ng emergency medical assistance para sa mahihirap na pasyente ang Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) sa pagbubukas ng ika-50 Malasakit Center ng gobyerno dito noong Nobyembre 7.
Ito ang una sa Cordillera at ika-22 sa Luzon, ang Malasakit Center ay layong magsilbi bilang one-stop shop para sa lahat ng medical at financial assistance sa mga mahihirap na pasyente kung saan inilagay ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na kasalukuyang may kaugnayan sa pagbibigay ng tulong medikal.
Magsisilbi rin ang Malasakit Center bilang health care processing centers para matulungan ang mga pasyente at referral upang mabigyan sila ng kinakailangang system support para sa patient navigation sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) law.
Ikinatawan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go at Presidential Adviser for Visayas Secretary Michael Dino ang Office of the President sa paglulunsad g Malasakit Center. Tinanggap sila nina BGHMC Director Dr. Ricardo Ruñez, mga opisyal ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong at Congressman Mark Go at Benguet Governor Mechor Diclas.
Sa isang simpleng seremonya ay ipinaliwanag ni Go na ang Malasakit Center ay pabibilisin at gagawing sumple ang proseso para sa mahihirap na pasyenteng humihingi ng tulong kung saan handog nito ang medical assistance programs ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
”Zero balance po ang target natin dito. Para po ito sa indigent patients. Huwag po natin silang pahirapan. Gusto natin mabilis na serbisyo,” pahayag ni Go. Para sa paunang operasyon ng center ay ipinasakamay nina Goa at Dino kay Ruñez ang isang PhP5 milyon check para sa Malasakit Center na replenishable oras na ma-liquidate. Nangakorin sila na karagdagang PhP5 milyon pa para sa emergency medical assistance program.
“Sa ngayon, initiative ito ng Office of the President. At para ma-institutionalize at tuloy-tuloy ito kahit tapos na ang termino ni Pangulong Duterte, I filed the Malasakit Center Act of 2019 which already passed the second reading in the Senate,” ani Go.
Layon din ng SB 1076 na magtatag ng Malasakit Centers sa lahat ng pinapatakbong ospital ng DOH sa buongbansa upang mabawasan ang gastusin ng mahihirap na pasyente kabilang ang nonmedical expenses gaya ng transportasyon, dagdag niya.
 
CCD-PIA-CAR/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon