Mga proyekto sa lungsod, dapat bilisang tapusin ng DPWH

Mahigpit na ibinilin ni Mayor Mauricio Domogan sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways-Baguio City District Engineering Office (DPWH-BCDEO) na bilisang tapusin ang mga on-going infrastructure projects ng ahensiya sa kahabaan ng national roads sa lungsod upang mabawasan ang abala sa publiko sa ginaganap na 23rd edition ng Panagbenga o Baguio Flower Festival.
Nakipagpulong ang mayor sa mga opisyal ng DPWH-BCDEO noong Enero 30 upang paalalahanan sila na siguruhin na ang mga hinuhukay sa national roads na kasalukuyang ipinapatupad ng ahensya ay matatapos bago isagawa ang grand street dancing parade sa Pebrero 24 at grand float parade sa Pebrero 25 upang bigyan ng pagkakataon ang mga residente at bisita na malayang makagala sa paligid ng lungsod sa panahon ng kasiyahan.
Gayunpaman, kung sakaling hindi matatapos ng mga contractor ang mga proyekto, hinihiling ng mayor na ilang araw bago mag-umpisa ang flower festival highlights, ang mga lugar ay dapat malinisan ng debris na magbubunga ng seryosong banta sa kaligtasan ng publiko.
Dagdag pa niya na kahit na naiintindihan ng mga lokal na opisyal ang pangangailangan ng ahensiya at mga concerned contractors na isagawa ang mga naiprogramang proyekto sa panahon ng tagtuyot upang mabawasan ang hindi kanais-nais na pagkaantala upang matapos ang mga proyektong imprastraktura, mahalaga para sa mga nagpapatupad ng proyekto na maging maingat sa kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mga pagbubungkal ay hindi makakaapekto sa maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga tao.
Aniya, kailangang siguruhin ng DPWH-BCDEO technical personnel na ang implementasyon ng mga proyekto ay nasusubaybayan upang ang mga contractor ay mahigpit na sumunod sa iniatas na specifications at mga pamantayan na gagawin ang mga proyekto na magtatagal.
Ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa mga opisyal ng DPWH-BCDEO at contractors sa kanilang kooperasyon sa pagsasagawa ng mga pinondohang proyekto sa major roads sa paligid ng lungsod. Aniay, ang mga nasabing proyekto ay mabuti sa kasalukuyang kondisyon ng trapiko, lalo na sa mga congested area.
Hiniling din ni Domogan sa  mga opisyal at kontraktor ng DPWH-BCDEO na tiyakin na ang naaangkop na signage ay na-install sa loob ng kanilang mga site upang gabayan ang publiko at upang magsilbing impormasyon sa mga motorista sa mga bagay na dapat gawin sa pagpunta sa mga lugar kung saan ipinatutupad ang mga proyekto.
Nauna rito, in-adopt ng DPWH ang polisiyang ibid-out ang mga napondohang proyekto sa huling yugto ng nakaraang taon at ang natitira ay ibibigay sa mga nanalong bidder sa sandaling ang pondo ay mapagtibay ng batas upang magarantiya ang agarang implementasyon ng mga proyekto sa unang bahagi ng taon upang maiwasan ang pagkaantala na idudulot sa panahon ng tag-ulan. BAGUIO PIO / ABN

Amianan Balita Ngayon