Motorsiklo nahulog sa kanal, sakay patay

Isang motorsiklo ang nahulog sa isang kanal na ikinamatay ng sakay nito sa Provincial Road, Purok 5, Bulanao, Tabuk City, Kalinga noong Disyembre 17.
Kinilala ng kapulisan ng Tabuk CPS ang biktima na si Deo Sappa Lingbawan, 28, walang-asawa, laborer at residente ng Nambucayan, Tabuk City, Kalinga.
Napag-alaman sa imbestigasyon na minamaneho ng biktima ang isang Motoposh Pinoy 155 motorcycle papunta sa Purok 5 nang mahulog ito sa isang drainage canal na nagresulta sa malubhang pagkakasugat sa ulo ng biktima.
Dinala ng mga rumespondeng PNP at BFP personnel ang biktima sa Kalinga Provincial Hospital subalit idineklara itong dead on arrival (DOA). Walang suot na helmet ang biktima nang nangyari ang aksidente.

Amianan Balita Ngayon