LTO-Ilocos pinaigting ang inspeksiyon sa mga terminal ng bus

LUNGSOD NG DAGUPAN – Inumpisahan noong nakaraang linggo ang pinaigting na inspeksiyon ng Land Transportation Office (LTO) sa Rehiyon 1 sa road worthiness ng mga bus sa malalaking terminal sa rehiyon upang masiguro ang ligtas na pagbibiyahe ng mga mananakay sa panahon ng bakasyon.
“Based from statistics, most accidents happen during this season, and most accidents are caused by engine failure or drivers intoxicated with alcohol,” ani LTO regional director Teofilo Guadiz III sa isang panayam.
Sinabi ni Guadiz na ipinapatupad ng kaniyang opsina ang preventive measures sa halip na pagdakip sa mga panahon na ito ng taon.
“An hour or minutes before the bus leaves the terminal, the inspectors from LTO’s district offices check the brakes, wheels of the bus; while the bus driver will undergo a breath-test on an alcohol breath analyzer to make sure he is not drunk, or under the influence of alcohol,” aniya.
Inamin ni Guadiz na may ilang bus ang hindi pinayagang bumiyahe matapos hindi pumasa sa inspeksiyon.
“One bus’ wheel was already bald and needed replacement, while another was to travel with a wrong franchise. So, we did not allow them to travel,” ani Guadiz.
Nagsasagawa rin ang LTO ng inspeksiyon sa gabi kasama ang mga miyembro ng Philippine National Police.
Samantala ay sinabi ni Guadiz na hindi mag-iisyu ng temporary operator’s permit sa mga motoristang may traffic violations gaya ng hindi pagsusuot ng hemet, umpisa Disyembre 15 hanggang Enero 31.
“We want to break the impression, whenever we apprehend motorists this Christmas season, as though we are asking for gifts or ‘nangungutong’,” ani Guadiz.
Binalaan din ni Guadiz ang mga motorista na nakainom habang nagmamaneho at hindi sila pakakawalan ng LTO.
“As for the ordinances in the cities and towns, it is up to the officials to issue traffic citation tickets,” dagdag niya.
Pinaalalahanan ni Guadiz ang mga motorista na huwag uminom ng alak at magmaneho, lalo na at marami ang kasiyahan sa mga araw na ito, at sa mga kompanya ng bus na suriin ang kanilang mga bus bago payagang bumiyahe para sa kaligtasan ng mga pasahero at tao.
PNA/ABN

Amianan Balita Ngayon