Na-bully ka na ba?

On September 12, 2013, Republic Act No. 10627, entitled “An act requiring all elementary and secondary schools to adopt policies to prevent and address the acts of bullying in their institutions” was passed by the 15th Congress. Apat na taon na ang nakakaraan mga iKit, safe pa ba ang mga apo, pamangkin at inaanak ninyo? Naipasa na bilang isang ordinansa sa Baguio City ang Bill na ito at ngayon pinag-uusapan naman sa Sangguniang Bayan ng La Trinidad na mai-apply ang panukalang ito.

Sinabi ni Councilor Guiller Galwan, “Nung bata ako na-bubully ako, ikaw hindi ka ba nabubully noong bata ka? Imposibleng walang bata na hindi nabu-bully. Kaya we have to strengthen the implementation of this law kesa naman pag may nabalitaan tayong binugbog ng kaklase niya dyan saka pa lamang tayo uma-aksiyon.” Sa isang pampublikong eskwelahan, mayron tayong nabalitaan na dahil sa pag-aasaran ng magka-klase, ayon dinugsol na iti lapis dyay ulo ti kaklase na; natay dyay ubing nga lalaki. Sa High School naman, pinagtulungan na bugbugin ang isang lalaki dahil ayaw diumano sumali nito sa fraternity nila. Posted picture na hubad ng isang batang babae sa social media – Cyber Bullying. Batang lalaki ayaw nang lumabas ng bahay dahil lagi daw inaasar na “duling ang mata!” – Social Bullying. Lalaki na first year high school ang tawag sa kanya ay “Leng-leng kumarengkeng!” – Gender Based Bullying. Mga bagay na parang normal na pagdaanan ng isang bata pero maaaring hindi maganda ang kalabasan ng pananaw nito sa buhay sa hinaharap.

Marami na ang nagpatunay na ang pagbu-bully sa kapwa ay may malaking impact sa behaviour ng isang tao. Maaaring dahil nabu-bully siya noon kaya mahina ang self-confidence niya sa sarili, hindi marunong makihalubilo, madaling magalit, hindi mahaba ang pasensya at kung ano-ano pang negatibo. Pag tumanda silang ganito tayo na ang umintindi dahil tayo naman ang nakakaintindi; ika nga ng isang kasabihan “We never know where she/he have been through” in order for us to judge her/him on what she/he does. In the Bible (KJV) Matt. 7:1-2 “Judge not, that ye be not judged. For with what judgement ye judge, ye shall be judged: and with what measure ye mete, it shall be measured to you again.” Naku ingat! Mabilis na ngayon ang karma iKit, automatic dahil sa bilis ng teknolohiya.

Kaya kung susuyuin daw ang naka-sakitan mo ng loob, huwag mong kalimutan na bigyan ng souvenir o regaluhan ito ng hindi ka niya makalimutan hehehe… Punta ka na sa Ilao’s Souvenir and Gift Shop kung ang hanap mo ay Baguio silver, native costumes, native slippers at sandals, Baguio t-shirts, bonnets, wood carvings, knitted products at marami pang iba, puntahan lamang sila sa stall number 9 and 10 Superintendent Bldg. Public Market, Baguio City, malapit sa Maharlika at likod ni Gib-An Salon.

Huwag natin isawalang bahala ang kaligtasan at kinabukasan ng ating mga anak, dahil naniniwala pa rin ako na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Magtulungan tayo mga iKit ta “Ti panagkaykaysa, mangiwanwan iti naranyag nga pagsayaatan.”

Amianan Balita Ngayon