“OTORIDAD KONTRA OTORIDAD SA LABAN KONTRA E-SABONG”

Umaabot na umano sa 789 e-sabong operations sa buong bansa. Maaring lumalaki pa ito sa bawa’t araw na puro kamutulo na lamang ang mga otoridad sa desperasyong hindi nitong kayang sawatain. Ngunit kung gugustuhin,
hindi ang paghahabol lamang sa mga websites ang atupagin, kundi’y mismong mga utak at ulo ng mga operasyong ito ang panagutin. Ngunit paano nga namang panagutin ng otoridad ang kapwa nitong otoridad? Halimbawa’y, paano naman panagutin ang isang tanyag na pulitikong-lider mismo ni PBBM mula sa Norte na isa sa mga pasimuno ng esabong operations sa bansa?

Angkan ito ng mga pulitiko at napakalawak ang impluwensiya sa pamahalaan bukod pa sa busog na busog na ang bulsa. Ang pinamumunuang sindikatong operasyon ng lider-pulitiko ay sa ilalim ng Sabong World Cup (SWC) na mayroong mga studio o farms kung saan vinivideohan ang mga sabong sa probinsya ng Batangas. Ang tatlong websites ng SWC ay may sariling mga passwords kung saan malayang makakapasok ang mga e-sabong afficionado, bata man o matanda, saan man bahagi ng bansa o mundo. Tiyak naman na batid na ng PNP Cybercrime o iba pang
law enforcement agencies na mayroong studio o farm ni alyas “JCap” sa Ibaan, Lipa, Batangas.

Ngunit baka nagbubulagbulagan at nagbibingi-bingihan ang otoridad dahil kay Police Colonel ng isang PNP National
Support Unit (NSU) sa Region 4A ang protector at “timbre” ni “JCap”. Sa ilalim ni “JCap” si “AA” o Aries Alvarez bilang operations head at namumuno kina John Anthony Magdadaro, ang tagapamahala sa Information Technology (IT) ng operasyon. Pinangalanan si Dade Arguiles bilang coordinator at kasapi sa technology team (tech team) at bumabakas bilang coowner; Ajho Dimaano at Vincent Eric Arive Gobon bilang coowner; si Aldrin Ablao bilang owner din sa Tanauan, Batangas; Mac Ignacio bilang owner; at alyas Kalasti bilang core-member ng sindikato.

Wala diumano sa equation ng sindikato ang Pitmaster owner Charlie “Atong” Ang, ngunit pinapalutang pa rin ang
pangalan nitoupang ikubli ang e-sabong operations ni liderpulitiko ng Norte. Datapwa’t mainam ang paghahain ni Senator Alan Peter Cayetano ng Anti-Online Gambling Act of 2022 (House Bill 63) bilang batas-panagga sa esabong, sana’y bigyang pangil ito kontra hindi lang mga esabong players o mananaya kundi lalo sa mga utak at protector ng operations gaya ni lider-pulitiko. Sa katunayan, mas mabigat nga dapat ang parusa sa mga opisyal ng gobyerno na
kasangkot sa operasyong pinagbabawal.

Amianan Balita Ngayon