P11M halaga ng marijuana, sinunog sa Kalinga

Sep 30, 2017

CAMP DANGWA, LA TRINIDAD – Dahil sa patuloy na pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga ng gobyerno ay nasa P11 milyon halaga ng tanim na marijuana ang binunot ng panagsamang elemento ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Army sa bulubundukin ng Kalinga.
Sa dalawang araw na operasyon sa Barangay Buscalan, Tinglayan mula Setyembre 20-21 ay nadiskubre ng mga awtoridad ang siyam na plantasyon ng marijuana sa Mt. Chumanchil, Sitio Bato, Loccong na may tinatayang sukat ng lupain na 6,900 square meters.
Sinira ng mga awtoridad ang 40,850 fully-grown marijuana plants na tinatayang nagkakahalaga ng P11.040 milyon at sinunog sa mismong lugar.
Binati ni Chief Superintendent Elmo Francis Sarona, PRO-Cor police regional director, ang tagumpay na trabaho ng mga tropa ng gobyerno at sinabing marami pang susunod na operasyon kaugnay ng kampanya laban sa illegal na droga ang isasagawa.
Sinabi ni Sarona na ang eradikasyon na tinawag na Oplan Katribu ay naging matagumpay dahil sa sama-samang trabaho ng mga personnel mula sa PNP Kalinga, PDEA-Cordillera, PDEA Cagayan Valley, Philippine Army at NBI-Cagayan Valley at aktibong pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay at munisipyo ng Tinglayan.
Subalit inamin ni Sarona na ang eradikasyon ay hindi garantiyang lubos na mawawala ang tanim na marijuana sa lugar dahil ang pagtatanim nito ay isa sa mga pinagkukunan ng ikinakabuhay ng ilang residente sa lugar ngunit sinabi niyang ginagawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito upang ipatupad ang mga plano at programa para mahadlangan ang pagsasaka ng marijuana.
Nanawagan pa si Sarona sa mga tao na nagtatanim ng marijuana na sa halip ay tutukan na lamang ang mga livelihood projects na natutunan nila mula sa lokal na gobyerno at non-government organizations bilang alternatibong pagkakakitaan at matulungan ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Inutusan ni Sarona ang lahat ng unit commanders na palakasin ang mga operasyon ng pulis at paigtingin ang intelligence build up laban sa mga personalidad na may kaugnayan sa illegal na droga at maparusahan sa ilalim ng batas at maipakulong.
Isinusulong sa Kamara ang panukalang batas na ‘Medical Marijuana’ upang maging legal ang paggamit ng marijuana bilang medisinal na gamot subalit marami pa rin ang tumututol dito. ABN

RELATED POSTS

FILIPINO ATHLETES

FILIPINO ATHLETES

In this March 2022 file photo, Cong. Eric Go Yap of Benguet shares some light moment with Team Lakay’s Eduard Folayang and coach Mark...

AMIANAN POLICE PATROL

College student,driver, farmer, huli sa P19.8M marijuana sa Kalinga  TABUK CITY, Kalinga – Hindi nakalusot ang isang college student at...

TUBA WATER SYSTEM

TUBA WATER SYSTEM

After decades of waiting, thousands of residents of Barangay Poblacion and adjoining barangays will soon benefit from a water system...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest