P1M tulong pangkabuhayan, inilabas ng DOLE, OWWA sa Cordillera

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagpalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE)-CAR at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)-CAR noong nakaraang Miyerkoles ng may kabuuang PhP1,092,790 bilang suporta sa pangkabuhayan ng mga manggagawa sa rehiyon.
Inilabas ng OWWA ang PhP20,000 bawat isa sa 11 dating overseas Filipino workers (OFW) na bumalik sa bansa upang magsimula muli.
“This is a continuing program, it just so happened that today the checks of the 11 OFWs are already available so we opted to release it in time for Labor Day,” ani OWWA-CAR regional director Manuela Pena. Sinabi ni Pena na ang tulong ay isa sa reintegration programs ng OWWA sa mga miyembro nito sa ilalim ng “Balik Pinas, Balik Hanapbuhay Program.”
“The amount is a grant accessible to active OWWA members who suffered socioeconomic cause of migration — di nakatapos ng kontrata sa (those who were not able to finish their contracts) abroad because of health problems, employment contract violation and others,” aniya.
Dagdag pa ni Penan na ito ay isang tuloy-tutloy na ayuda sa mga dating OFW upang makapagsimula at maipagpatuloy ang kanilang negosyo.
“In terms of livelihood support program, funding is not enough and capability training is required. We need to give knowledge with business management as well as cliniquing support which we implement together with other agencies,” ani Pena.
Sinabi niya na ang pagpunta sa ibang bansa ay isang pagpili subalit ipinapakita ng katotohanan na mabigyan din ang OFW ng pagpili kung babalik o mananatili sa bansa at para makapagnegosyo sa Pilipinas.
Bukod sa OWWA, naglabas din ang DOLE ng mga tseke sa 19 individual livelihood beneficiaries na katapat ng isang tulong mula sa gobyerno.
Sa kabuuang PhP372,828 ay gagamitin ng mga benepisaryo ang halagang mula PhP18,000 hanggang PhP20,000 para sa income generating na aktibidad gaya ng paglalako ng pagkain, baking, paggawa ng longganisa, “sari-sari” store, soft broom production, bakery, sewing, body-bag making, laundry services, homemade food production, food cart, peanut butter production, produksiyon ng soya at beauty parlor services.
Sinabi ni DOLE Baguio-Benguet field office chief Emerito Narag na ang livelihood assistance fund na inilabas ay sumailalim sa isang proseso bago ito ipinamahagi.
“They have to be a registered association of the DOLE under the rural workers association who were registered with the office. They were already doing their livelihood activity and they need additional capital so they submitted a proposal, we assessed it and they qualified,” ani Narag.
Sinabi niya na habang nagbibigay ang ahensiya ng tulong sa mga indibiduwal ay mas nais nila sa isang grupo dahil sa mas madaling subaybayan, subalit ang mas malaking aktibidad ay may mas mataas na potensiyal ng paglikha ng mga trabaho.
 
PNA/PMCJr./ABN

Amianan Balita Ngayon