P4.4M marijuana bricks transporter nasabat sa Kalinga

CAMP DANGWA, La Trinidad Benguet — Dalawang transporter ng P4.4 milyong halaga ng dried marijuana ang nasabat ng alertong pulisya sa isinagawang checkpoint habang lulan ng pampasaherong bus sa Tabuk City, Kalinga.
Nabatid kay Gen. Israel Dickson, regional director ng Police Regional Office – Cordillera, ang dalawang suspek ay sakay ng Ace Finder Bus sa Tabuk City patungong Manila, noong hapon ng Enero 13 at nasabat sa checkpoint sa may may Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga.
Kinilala ang mga suspek na sina Jose San Juan Raymundo Jr, 20, ng Barangay South Triangle, Quezon City at Kian Ty Cortez, 22, ng Kamuning, Quezon City.
Nakumpiska mula sa tatlong traveling bag ng mga suspek ang 9 na transparent plastic in tubular form na naglalaman ng dried MJ leaves; 28 bricks dried MJ leaves na may timbang na 37 kilograms at may kabuuang halagang P4,440,000.00.
Ania, ang pagkakadakip sa suspek ay mula sa tulong ng concerned citizen na nagbigay impormasyon sa pagbibiyahe ng illegal drugs at mabilis na inaksyunan ng magkakasanib na tauhan ng Police Intelligence Branch/Drug Enforcement Unit (PIB/DEU), Philippine Drug Enforcement Agency – Kalinga (PDEA Kalinga), Regional Intelligence Division (RID), PRO-Cor Intelligence Unit (IU-14), Tabuk CPS at First Kalinga Police Mobile Force Company (1st KPMFC).
Ayon kay Dickson, malaki ang pasalamat ng pulisya sa tulong ng mga concerned citizens para hadlangan ang mga nagtatangkang ipuslit ang marijuana sa kabila ng patuloy na eradication ng illegal na tanim sa kabundukan ng Kalinga.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon