Pangasinan pinalakas ang safety measures sa pagdami ng kaso ng COVID sa bansa

LINGAYEN, Pangasinan – Dahil sa pagdami ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas sa nakaraang mga araw, dinoble ng pamahalaan ng probinsiya ang pagsisikap nito sa pagpapatupad ng mas mahigpit na pamamaraan upang labanan ang sakit.
Tinipon ni Governor Amado Espino III ang mga department heads at ang Police Provincial Office upang ipatupad ang mas mahigpit na mga hakbang sa minimum public health standards, ayon sa isang ulat mula sa pamahalaang panlalawigan.
Sa web-based question hour na isinagawa sa ika-60 regular session ng Pangasinan Provincial Board, nimanggit ni Col. Rhodyn Luchinvar, provincial disaster risk reduction and management officer na ang COVID-19 positive cases sa Pangasinan sa nakaraang huling tatlong araw (Marso 19-21) ay nagpakita ng pagtaas ng kabuuang bilang ng aktibong kaso na 153 noong Marso 19, 196 noong Marso 20 at 217 noong Marso 21.
Sinabi ni Col. Oro na matamang tinitingnan ng provincial task force ang lalong pagpapalakas sa mga panuntunan at protocols. Gayunman, niliwanag niya na ang pagbabalik sa estadong GCQ ay hindi ikinokonsidera sa ngayon.
Sinabi niya na isang pro-active plan ang naunang ginawa ng technical working group at ang local government units (LGUs) ay nangako ng kanilnag suporta sa pagsusumite ng kanilang microplans sa kampanya sa pagbabakuna ng pamahalaang panlalawigan.
Samantala ay sinabi ni Col. Ronald Gayom provincial director ng PNP sa Pangasinan na lahat ng border checkpoints ay patuloy na binabantayan. Iminungkahi ni Gayo na kailangang mag-duty rin ang mga frontline health workers sa mga border checkpoints upang masuri ang mga tao ng pumapasok sa probinsiya.
Noong Marso 22 ay naglabas ang pamahalaang panlalawigan ng Executive Order No. 0027-2021 na nag-uutos ng mahigpot na implementasyon ng health protocols at panuntunan para sa pagdaraos ng semana santa.
(VHS-PIA Pang/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon