PNP-CAR nanawagang alisin ang mantsa ng halalan

BANGUED, Abra – Nanawagan si bagongtalagang director ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) sa mga botante na tumulong sa pagtanggal ng mantsa na ang probinsiya ng Abra ay nakakatakot na lugar tuwing panahon ng halalan.

“I am here and I am appealing to our political leadership, we have also invited the clergy, academe, non-government organization and other stakeholders so that we can start the campaign without doing drastic acts like bringing in additional troops [to manage Abra’s peace and order situation],” sinabi ni Police Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson sa mga kandidato sa ginawang covenant signing noong nakaraang Lunes.

Pinasimulan ng PROCOR ang covenant signing sa unang pagkakataon, inimbitahan ang mga kandidatong tumatakbo sa iba’t-ibang posisyon para sa provincial at municipal government, sa isang lugar sa isang pagkakataon.

Si Dickson na tubong bayan ng San Juan ay nagpahayag ng malaking pagasa na darating ang panahon na hindi na matatawag ang Abra na isang problemang lugar.

“Yun nga po ang pakiusap ko sa mga kapulisan, tulungan ako na maibalik sana ang image ng Abra na peaceful at hindi yung naka attach at nakaakibat parati yung sinasabing magulong lugar,” ani Dickson.

Noong Marso 20 ay idineklara ng Commission on Elections (Comelec) ang probinsiya ng Abra bilang election hotspot na naglalagay dito sa ilalim ng red category.

Sinabi niya na sa isang lugar na naideklara bilang election hotspot, ang pagtatatalag ng karagdagang law enforcers gayundin ang kanilang paglipat ay maaaring gawin, na ayaw niyang mangyari sa Abra.

“Taga rito po ako, kabisado ko yung lugar, yung political leadership. Ako po ay nananawagan sa lahat, sa contending parties na sana ay magkaisa para sa mailinis, maayos at hindi magulong election,” aniya.

Sinabi ni Dickson na nagisyu ang Comelec ng utos dahil sa sumusunod na kadahilanan: may kasaysayan o kasalukuyang matinding poltical rivalry; dati na itong napasailalim ng Comelec
control; ang karahasan ay maaaring kagagawan ng private armed groups; at may seryosong banta ng New People’s Army (NPA).

“Being placed as an election hotspot does not mean Abra is messy but it has a potential that is why it was declared as such, to avoid the escalation of tension and violence and election related incidents,” ani Dickson.

Sinabi ni Provincial Election Officer Atty. Dexter Barry Cawis na noon lamang 2013 kung saan hindi naidkelara ang Abra bilang area of concern on election hotspot ng Comelec at palagi na itong naidedeklara bilang isa.

Sinabi ni Dickson na ang “code red” ay para gawin ang mga stakeholders na magkaroon ng kamalayan sa kanilang tungkulin at magkaroon ng mga hakbang para mahadlangan ang pagkakaroon ng iba pang insidente na magtutulak sa Comelec na ideklara ang Abra sa ilalim ng “Comelec Control”.

Nilinaw naman ni bagongtalagang Bangued municipal election officer Atty. John Paul Martin, sa isang hiwalay na panayam na ang ideya na ang Abra ay problema dahil sa naideklara ito bilang election hotspot ay isang maling kuro-kuro.

“Instead of being in fear, the people should feel more secured, their rights protected because the government’s action will be towards their protection.

The police and the military will focus more on protecting the citizens and the teachers who will perform their election duties, not on protecting the candidates,”
aniya.

Tinukoy niya na ang bahagdan ng pagdedeklara ng isang hotspot, ang red category ay ang susunod na hakbang para ideklara ang isang lugar sa ilalim ng Comelec Control, kung saan ang pagtatalaga at paglilipat ay madali ng gawin ng Commission.

Ang mga national line agencies na may kinalaman sa halalan ay maaari ding direktang utusan ng Comelec na gawin o hindi ang isang aksiyon o programa.

Sa isang panayam ay nagpahayag ng patutol si Governor Jocelyn Bernos sa deklarasyon ng Abra bilang election hotspot.

“From day one of my administration, we have been exerting effort, putting in resources to programs, projects and activities to make Abra peaceful.

Tourists now come to Abra,” ani Bernos. “Does this mean we have not done anything? Are the efforts of the police and the military not enough?,” aniya.

Samantala ay sinabi ni Abra lone district Rep. Joseph Santo Nino “JB” Bernos na ang istatistika sa election-related violence ay nagpapakita na walang karahasan na may kinalaman sa halalan ang nangyari sa mga nagdaan. “I am sure the people of Abra have seen this,” aniya.

PNA/PMCJr./ABN

Amianan Balita Ngayon