SA TINDI NG INIT… BAKA MAGLIYAB!!!

Sus maryusep!!! Lalo yatang tumitindi ang init ng tensiyon sa West Phil. Sea sa ngayon. Baka magliyab! Ito ang
pinangangambahan ng marami sa ating bansa at sa maraming bahagi ng mundo lalo na sa Asya. Sabi nga ng mga
observers…eh, kung yung gatuldok na butil ng hamog na direktang naarawan, sa tindi ng init ay nagliliyab at nagkakaroon ng “forest fire”. Ganyan nahahambing ang tension na nagaganap sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.

Ayon sa Phil. Coast Guard (PCG)…kontrolado na, noon pa, ng China ang Bajo de Masinloc sa WPS makaraan ang
pinakahuling insidente ng pangha-harass ng Tsina sa mga mangingisda natin doon. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente ilang araw bago ang pag-uusap ng Pilipinas at China para sa mas malakas na mekanismo at komyunikasyon noong Jan. 17, 2024.

Dagdag ng PCG na pagkatapos lang ang naganap na tensiyon sa may Scarborough Shoal, nawalan na tayo ng control sa Bajo de Masinloc. Katunayan, ayon pa sa ulat ng PCG na tatlong pangulo na ng bansa ang dumaan, pero hindi nabuwag ang control ng Chinese Coast Guard sa lugal bagama’t hindi naman umuurong ang ating gobyerno na gawan ng paraan na bawiin ang lugal sa legal na paraan.

Ayon sa ulat ng Phil. Coast Guard, hinarang ng China Coast Guard na sakay ng rubber boat ang ating mangingisda kung saan, pinigil pa nila ang mga bangka ng mga mangingisda para hindi makaalis. Sa ulat ni PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela sa salaysay sa kanya ng mangingisdang si Jack Tabat na nilapitan sila ng coast guard ng Tsina at pinabalik sa dagat ang lahat ng huli nilang mga isda at shells. Walang nagawa ang mga pobreng
mangingisda kundi sumunod sa takot na baka gawan sila ng masama.

Isa lamang eto sa maraming pangyayari ng harrassment sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc. Noong nakalipas na Disyembre, hinarang na naman sila at hindi nakapangisda kaya gutom ang inabot ng kanilang mga
pamilya. Dahil sa mga panghaharass na ito ng Tsina sa ating kababayang mangingisda…gagawa umano ng hakbang ang PCG laban sa ginagawa ng CCG pero hindi idinetalye kung papano.

Natural, hahanap na naman ang ating mga kawawang mangingisda ng bagong lugal para mangisda. Sayang daw ang
Scarborough Shoal kasi maraming nahuhuling isda at nakukuhang shells doon kaya bantay sarado ang Tsina. Ayon sa mga eksperto…dahil wala tayong sapat na lakas upang sumagupa sa dambuhalang bansa…dapat ipagpatuloy natin ang paghahain ng protesta laban sa China. Dagdag naman ng ilang analysts na upang masaktan ang
Tsina…ay iboykot natin ang kanilang mga produkto.

Dapat ay suspendehin daw natin ang mga malalaking proyekto nila sa bansa. Sa naganap na 8th Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea sa Shanghai, nagkasundo ang Pilipinas at China na magkaroon ng kumyuniskayon ang kani-kanilang Coast Guards para maiwasan ang pamububully ng China sa mga Filipino vessels
sa WPS. Pero hindi tumutupad ang Tsina sa kasunduan. Kaya tuloy, sa galit ng ilan nating mamamayan…ika nila, dapat “palayasin” na ang embehador ng Tsina dito sa bansa at putulin na ang diplomatic relations.

Kung hindi raw kayang riyendahan ng pangulo ng China ang kanyang mga tauhan, ibig sabihin daw ay mahina siyang lider. Nakakabahala, baka sa tindi ng init, baka magliyab! Adios mi amor, chao, mabalos.

HALAGA AT PAHAYAG

THE GIVER AND TAKER

Amianan Balita Ngayon