Tax collection sa Baguio tumaas ng 10.15 Porsiyento

BAGUIO CITY — Tumaas ang kabuuan na halaga ng buwis na nakolekta nitong nakaraang taon, 2019 kumpara noong taong 2018 ayon sa inilabas na datos ng Baguio City Treasurer’s Office.
Ang General Collection na nakolekta taong 2019 ay P1.949 bilyon katumbas ng 10.15 porsyento na pagtaas at nilampasan ang target na P 1.842 bilyon.
Noong 2018, naka kolekta ang ciudad ng kabuuan P 1.770 bilyon. Sa panayam kay Jerry Guevara ng City Treasure’s Office, nakakolekta ng P 90.031 milyon para sa Real Property Tax na mas mataas sa nakolekta noong 2018 na umabot ng P82.713 milyon ngunit hindi umabot sa target na PhP 107,000,000.00.
May P433.134 milyon ang nakolekta para sa Business Tax na lumagpas ng 8.28 porsyento ang koleksyon noong 2018 na P400.018 milyon.
Ang nakolekta naman para sa Fees and Charges ay P 281.038,086 milyon na linagpasan ng 2.79 porsyento ang collection noong 2018 na umabot sa P 273.418 milyon kontra sa target na P 279.140 milyon.
Ang siyudad din ay nakakuha ng P835.392 milyon na share para sa Internal Revenue Allotment (IRA) na tumaas ng 11 porsyento mula sa P 752.605 milyon na share noong 2018. Ang IRA ay ang hati ng revenues ng local na gobyerno mula sa national government.
Ang share mula sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ay umabot sa P 188.480 milyon na bumaba ng 6.24 porsyento mula sa P 201.031 milyon na koleksyon noong 2018.
Ang collection para sa Interest Income ngayong taon ay P 94.948 milyon na tumaas ng 161.94 porsyento mula sa P 36.247 milyon na koleksyon noong 2018 at lumampas sa target na P 30 milyon ang nakolekta para sa Miscellaneous ay umabot ng P 4.750 milyon na tumaas ng 59.04 porsyento mula sa P 2.987 milyon noong 2018.
Para naman sa share ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang nakuha na share ay P 3.775 milyon ng 50.43 porsyento mula sa P7.6 milyon na share noong 2018.
Ang koleksyon naman para sa Proceeds from the Sale of Assets ay P 18.115 milyon at ang koleksyon naman para sa Special Education Fund ay umabot sa P 64.531 milyon na tumaas mula sa P 60.020 milyon na koleksyon noong 2018.
 
Shayne Monje, UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon