TUMATAAS ANG MGA KASO

HINDI NA TAYO magpapatumpik-tumpik pa. Narito ang mga numerong inaabangan. 12, 31, 34. Hindi ito numerong pang-Lotto. Mula Lunes hanggang Myerkoles, ito ang mga bilang ng mga bagong covid cases sa araw-araw. Yung 12, biglang akyat sa 31, at sa sumunod na araw, naging 34. Kung ang mga numero ay medyo nasa a-trenta, aba, hindi na ito biro-birong dapat ipag-walang bahala. Covid cases ito na unti-unti ay lumalampas na sa mga pa-sampu-sampu’t dalawampo. Mukhang seryoso na ang pag-angat ng mga kaso. Ito na ang pangalawang linggo kung saan ang listahan ng mga daily cases ay lampas trenta.

Kung larong bingo ito, nasa kalagitnaan na at tatlong hilera na lang pwede ng yakapin ang sisigaw ng magic word. Ngunit, ang mga bagong bilang ay listahan ng mga numerong hindi lumilipas ang araw na walang nasasapian, walang nahahawahan. Aminin na natin na kakabakaba na ang madla. Kitang-kita
naman na mismong ang gamit ng face mask, na halos isang buwan ng ginawang opsyonal, ay hindi nasusunod. Mantakin mong sa mga kalsadang dinadagsa ng mga commuter at shopper, higit na 8 sa
bawat sampu ay nakasuot pa rin ang face mask.

Oo nga at mismong tayo na lampas ng dalawang taong binuno ang higpit ng restriksyon, buong tapang na sumunod sa mga patakarang pang-kaligtasan, ay suot-suot pa rin ang face mask. Ganun din ang mga kamaganak at malalapit na kaibigan, nakasalampak pa rin ang face mask, hindi nagpapatinag at halatang
kaligtasan pa rin ang nasa isip at puso. Kapamilya, kapuso, kapatid  lahat sila yata at bantulot na tanggalin ang unang pananggalang sa kanilang kalusugan.

Ang sitwasyon ay nananatiling may panganib pa rin ke covid. Gayung unti-unti ng binubuksan ang ekonomiya, gayung ang dating normal na buhay ay ibinabangon, at ibinabalik na ng sambayanan ang kanilang pagnanais na makapag-hanap-buhay, patuloy pa rin ang matahimik na panananalasa ni covid.
Nagmamatyag, nagmamasid, humahanap ng tyempo, at bigla na lamang ihahasik ang dalang virus sa
mga inosenteng biktimang hindi man lang alintana ang panganib. Gayung mababa ito kumpara sa pananalasa ni Delta noong Oktubre 2021, nakakabahala pa rin ang 36 na bilang ng mga nahawahan
sa isang araw.

Gawin nating arawaraw na sa loob ng isang dumadaang linggo, at tiyak papalo nan g hustong ang tumataas na bilang ng mga covid cases. Balikan natin ang nagdaang buwan ng Oktubre. Halos hindi
man lang pumalo sa lampas 20 ang bilang ng mga bagong impeksyon. Dumaan lamang ang simula ng
Nobyembre, eto, biglang sumipa ang bilang sa isang araw na hawahan. Biglang lomobo sa 36. At ngayon nga, Webes pa lamang, dalawang sunod na araw na higit trenta ang biglang sipa ni covid. Kaya naman, sa mga tigas-ulo, tingnan natin kung hanggang saan pupulutin ang mga tinamanang lintik na sumusuway sa mga protocol ng kaligtasan.

Bakunado man o hindi, kailangan pa ring maging masunurin tayo sa mga patakaran. Ngayong opsyonal ang face mask, hindi malayong isunod na ang pag-walis sa alituntunin ng social distancing. Ganyan ang
takbo ng utak ng mga nagmamagaling sa mga opisyal natin sa nasyonal: ituloy ang usad tungo sa Bagong Normal, piloting maibalik ang sitwasyon ng prepandemic. Sa aking mismong sariling karanasan, halos 8 sa bawat sampung tao na ating nakikita ay nakasuot pa rin ng face mask. Ngayong merong bagong spike na
maituturing, eto na naman tayo, puno ng pangamba dahil anumang araw ay baka alisin ng lahat ang mga
safety practices na lampas 2 taon din nating binuno.

Dito tayo nababahala. Ating hinalughog ang mga naunang pahayag ng mga eksperto noong bagong pa lamang manalasa ang pandemya, at tuwiran nilang isinasaad ang saloobin na hindi pa panahon upang tuluyang iwaksi ang gamit ng face mask. Huwag na nating ipagsapalaran ang kaligtasan n gating
pangangatawan. Huwag ng pakinggan ang mga nagkukunwaring eksperto sa kalusugan na minamadaling ibalik sa normal ang agos ng buhay. Ang ating pag-ahon at pagangat ay nasa ating mga kamay. Ngunit, depende pa rin iyan sa takbo ng utak, sa likaw ng bituka, sa hinaing ng puso.

Hindi gagalaw ang mga kamay kung walang naguutos na pag-iisip. Buong puso, buong diwa, buong pagpiling ng tamang desisyon – ito ang ating pairalin. Ibayong pag-iingat, habang si covid ay tatahimiktahimik lamang. AngatTayoBaguio – kung hindi pa dapat, bakit? Kung dapat naman, ingat-ingat lamang. Huwag nating isugal ang kaligtasan, hindi lamang natin, kundi pati na rin ang mga mahal sa buhay. Doble, tripling ingat ang magliligtas sa atin para hindi mapabilang sa mga kasong de numero kung ikumpas ni covid.

#Uulitin natin ang sabi nga ng isang nakaaalam, “Ang halaga ng pag-gamit ng face mask sa mga nasa
loob ng gusali at establisyemento ay hindi matatawaran, lalo na patuloy ang paghasik ng takot at lagim ang virus sa ating paligid. Halos nasa 85% ang proteksyong ibinibigay sa face mask user kapag nasa indoor setting.” Ito ba ay isasantabi na lamang, matugunan lang ang panawagan ng pagluluwag sa mga sektor ng ekonomiya na tila gaya-gaya putomaya sa mga karanasan sa ibang karatig bansa?” karatig bansa?”

Hindi nga natin maunawaan kung bakit merongmga opisyal na hindi naman mga health experts at infectious disease specialists ang pinagpipilitang iwaksi na ang gamit ng face mask. Anila, kung sa mga
karatig bansa ay wala ng gumagamit ng face mask, at tuluyan ng normal ang takbo ng kanilang ekonomiya, eh bakit pahuhuli pa ang Pilipinas? Me tawag dyan: gaya-gaya, putomaya!Hindi kataka-taka na manghilakbot ang mga health experts – silang mga nakipaglaban sa covid-19, silang nasa frontline
ng laban, at hindi inalintana ang panganib na mahawaan kapag kanilang inaasikaso ang mga pasyenteng nahawaan ng virus.

Ano nga ba ang ipinagmamadali na halos hatakin ang madlang pipol na isantabi na ang mga health protocol na tried and tested naman? Balikan natin ang vaccination rate sa kasalukuyan. Hindi ba’t halos nasa 85% na ang mga dumaan sa 2-dosage vaccination na halos 4 na buwan ang pagitan? Ang parting
ito ng usapan ang dapat tingnang maige. Ang 85% na vaccinated populasyon ay doon lamang sa mga
target population sektor. Ibig sabihin, hindi ang suma total ng lahat ng Pilipino. Hanggang ngayon nga ay ikinakampanya pa na ang natitirang bilang ng mga bakunado, mga 15% of target sector, ay dapat mabakunahan na.

Sa mga boostered up naman, yong mga sektor na ating pinangangalagaan ng husto, ang mga katandaan at mga indibidwal na mayroong comorbidity (o dating sakit na iniinda) ay lumalabas na nasa 40% ang nabigyan nan g first booster shot, at ang second booster ay hindi pa umaabot ng 20%. Kung ganito ang kundisyon ng bakunahan, bakit mamadaliin ang pag-alis ng mandato na kailangang naka-face mask ang madlang pipol kapag nasa labas at maging pag nasa loob ng gusali? Nitong mga nakaraang 3 buwan, ating ginawang opsyonal ang face mask use, ngunit kahit anong oras at araw, mabibilang lamang ang non-face mask user. Ibig sabihin, selfdiscipline ang pinaiiral ang karamihan.

Kanilang ng sinusunod ang kaugalian ng face mask use samantalang wala pang opisyal na deklarasyon na nagapi, nasupil, at bagsak na si covid-19. Uulitin ko ang aking sariling pananaw: nasa ating mga kamay
(na syang gagawa ng aksyon para iwaksi ang face mask use) ang dapat na sundin. Walang mawawala kung akuin natin ang reponsibilidad ng anumang bagay tungkol sa ating kalusugan at kaligtasan. Maaaring
opsyon ang hindi pag-gamit ng face mask sa indoor setting, pero opsyon pa rin natin ang mag-desisyon na gamitin pa rin bilang pananggalang ang face mask. Sariling pag-iingat an gating panawagan kung ibig nating bilisan ang pag-angat sa kundisyong patuloy si covid sa kanyang bantang umiskor pa ng buong tindi at bangis.

Amianan Balita Ngayon