UMULAN, UMARAW

MATINDI ANG dating ng unang linggo nitong buwan ng Agosto na nasa isang salita ay maaaring bigkasin ng walang kusa. MAPAMINSALA. Huwag ng magulat dahil, sa totoo lang, ginulantang tayo ng magkasunod na bagyo – si Egay at si Falcon- na walang habas ang ginawang pananalasa sa 25 probinsya at lungsod dito pa lang sa Luzon. Marami sa atin ang hindi makapaniwalang ganoon ang bagsik ng dalawang bagyo. Tinuklapan ang bubong ng mga bagay na parang akordyon. Binaha ng lampas tao ang mga Pakatan, Tabi man, maging kalsada ng daanan ng mga sasakyan.

Tina as ang mga produktong agricultura na naghihintay lamang mani at mapakinabangan Lubhang malalim ang sugat na iniwan ng nagalburotong klima sa atin, kasing bagsik ng nag-Ingay na Mayon sa kabikulan. Unang linggo pa lamang, ipinamalas ng Inang Kalikasan na Mayroon din syang pwersang ibalik sa sambayanan ang inihasik na bangis. Resbak ang tawag ng mga tambay sa lansangan. Ngunit, hindi dapat pangilagan ang resbak ng kapaligiran. Climate change ang bansag kapag dumaranas tayo ng kakaibang hagupit hindi kailanman ating naranasan Ang mahalaga, atin ng napagwawari kung paano balangkasin ang tamang pamamaraan sa panahong madelubyo na ang pwersang inihahampas sa atin.

Tamang paghahanda ang tawag ng bagong panahon. Hindi dapat na sa oanalangin lamang iasa
ang kaligtasan ninoman. Huwag ng ipagkibit ang pagnanasa na palayain ang bagong pagasa. para sa lahat. Ngayong nakadilat na ang Agosto, sana naman ay maging makabuluhan ang mga paghahanda upang hindi gaanong pinsala ang maidukot para sa buhay at kabuhayan. Diyan naman tayo nabubuhay sa pag-asang bubuti ang lahat-lahat. Mapagkikitaan. Mapagbubuhayan. Mapaglalambingan Kaya naman, atin pairing yakapin ang bagong buwan. Ulanin natin sya ng walang puknat. Pasilipin ang Haring Araw kahit na gabundok na ang tumatakip na kaulapan. Lumaya naman sana tayo sa mapaminsalang Ibinuhos nitong nagdaang unang mga araw.

Hindi kaila na naging mapamuksa ang nagdaang linggo lamang, binayo tayo ni ‘Egay’ ng walang puknat na dilubyong hangin at ulan na naghasik ng ibayong hirap. Ang pinsala ay matindi at malawak. Tinatayang malubha ang epekto sa ekonomiyang nagkaroon na ng pwersang makabangon. Kaya naman, dalangin ng lahat na maging kakaiba ang Agosto. Manaig sana ang
luwalhati ng pagmamahalan upang maging usbong ng panibagong pag-ahon. Pagbangon mula sa mga bagong dulot ng ulan, at maging sa inaasahang init na dala ng Haring Araw. Pagmamahal hindi lamang sa isa’t isa. Hindi lamang sa mga mahal sa buhay. Pati na rin ang mga minsan ay minahal – mga kaibigan, mga kaibig-kaibigan.

At maging ang mga itinuturing na balat-kaibigan. Isama na rin ang mga nakaligtaang minsan ay naging malapit sa puso. Mga taong minsan ay kabungguang dila. Kaisang balikat. Ngunit ngayon ay
nabubuhay na lamang sa mga alaalang pilit pa ring binubuhay sa gunita. Sila man ay wala na sa ating paligid, hindi maitatatwa na minsan naging bahagi ng mundong ginagalawaan. Isang mundong minsan ay naging saklaw ng nag-iisang damdamin. Ng pinag-samang pagsinta. Pag-asa ang natatanging lakas na nagbibigkis sa nakaraan at kasalukuyan. Anuman ang panahon, gaano
man ang hagupit ng pagkakataon, pag-asa pa rin ang siyang mag-aangat sa atin.

Gagabay sa muling paglalakbay. Papatnubay sa ating tatahaking landas. Ilaw na magbibigat ng
tanglaw at liwanag sa ating lalakarang lansangan. Ang malimit na ating maririnig, nasa pag-asa ang
ating sasandalan ng lakas, isang sandigan ng mga pangarap upang mabigyan ng sapat na pundasyon ang muli at muling pagbangon. Hindi dapat maliitin: ang kadiliman ng dumaraang gabi
ay naghahasik ng liwansg, mistulang isang libo’t isang bituing gaano man ang layo sa paningin ay nagbibigay ningning. Isang pagpapahalagang pagsalubong sa bagong buwan ng Agosto na nawa ay maibsan ang lupit ng pananalasa. Diyan tayo aahon, babangon, at aangat pa. Anuman ang sungit ng panahon. Anuman ang hampas ng pagkakataon. Anuman, sinoman ay buong kakayahang
ibubuhos sa sama-samang pagbubuklod. Isang kabuuoan mula sa mga bahaging minsan ay pira-piraso.

Amianan Balita Ngayon