14 anyos na dalagita, nagbaril ng sarili

Isang dalagita ang dinala sa ospital matapos itong magtangkang kitilin ang sariling buhay gamit ang isang cal.22 sa Atok Trail, Baguio City, ika-2 ng madaling araw noong Oktubre 2, 2017.
Ang dalagita ay dinala ng nanay at kapatid nito sa Saint Louis Hospital para sa medikal na atensyon.
Narekober ng mga rumespondeng pulis ang isang empty shell at isang deformed slug ng cal.22 sa loob ng isang comfort room sa unang palapag ng tinitirhan ng dalagita.
Sa pakikipanayam ng otoridad sa biktima ay isiniwalat nito ang pagtatangka nitong magpakamatay at sinabi nito kung saan itinago ang ginamit na baril na narekober din ng mga pulis.

Amianan Balita Ngayon