Year: 2024

Operation greyhound, papaigtingin sa city jail

Matapos na nahulihan ang isang ginang na sinubukang magpuslit ng marijuana sa kanyang pagbisita sa anak na nasa kulungan ay ipinangako ng Bureau of Jail and Penology (BJMP) na paiigtingin ang Operation Greyhound sa loob ng Baguio City jail. Ipapatupad rin ang mas masusing pagkapkap sa mga bisita na papayagan lamang makapasok kapag visiting hours.

Publiko hinimok intindihin ang anti-profanity ordinance

Umaapela ang pamahalaang lokal sa mga residente at bisita sa lungsod ng Baguio na pahalagahan at intindihin ang layunin ng anti-profanity ordinance. Katwiran ni Mayor Mauricio G. Domogan, layon ng naturang ordinansa na linangin ang asal at ugali ng kabataan upang lumaki ang mga ito bilang responsableng mamamayan sa halip na problema ng lipunan.

Mismanagement ng Burnham Park, pinabulaanan

Iginiit ng pamahalaang panlungsod na ang Burnham Park ay hindi pinabayaan ng lokal na gobyerno sa mahigit dalawang dekadang pangangasiwa nito sa 34 ektaryang parke.

Konsehal bukas sa ‘ala-Boracay’ rehab ng Baguio

Bukas ang pangunahing opisyal sa turismo ng lokal na pamahalaan sa usaping rehabilitasyon ng lungsod, kung kinakailangan, upang makakuha ng pondo mula sa national government para sa pag-unlad ng imprastraktura.

Bidding of garbage hauling ordered

Mayor Mauricio G. Domogan ordered the City General Services Office to fast track the preparation for the terms of reference for the public bidding of hauling services for the city’s residual waste to the Urdaneta sanitary landfill.The local chief admitted the local government is experiencing some problems in the timely hauling of the city’s residual […]

PVAO nagbabala kontra fixers sa Ilocos Sur

LUNGSOD NG VIGAN – Inabisuhan ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO)-Field Service Extension Office sa Ilocos Sur ang mga benepisyaryo ng pension laban sa mga fixers sa pagtanggap ng PVAO benefits kapalit ng pera.

Mga imbentor na Ilokano, hinimok na itanghal ang mga likha

LUNGSOD NG LAOAG – Hinihikayat ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga local inventors mula sa iba’t ibang bahagi ng Region 1 (Ilocos Region) na ipakita ang kanilang mga imbensiyon sa darating na 2018 National Inventors Week (NIW) sa Nobyembre 20 hanggang 23 sa Teatro Ilocandia, Batac City.

Regional GAD Forum, itinakda sa Rehiyon 1

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, LA UNION – Magsasagawa ang Regional Gender and Development Committee (RGADC) sa rehiyon sa pakikipagtulungan ng Philippine Commission on Women (PCW) ng kauna-unahang regional GAD budget forum sa Nobyembre 15 at 16 sa lungsod ng Vigan.

Amianan Balita Ngayon