3 palapag na bahay, nasira ng pagguho ng lupa

Nasira ang tatlong palapag na bahay nang gumuho ang lupa bandang tanghali noong Hulyo 21, 2018 sa Loakan Proper, Baguio City.
Sa natanggap na ulat ng Station 4 ng city police office, bandang 10am ng Hulyo 22, ang tatlong palapag na bahay na pag-aari ni Bonifaco Padilla at nasa pangangalaga ni Nestor Rillera, 64 anyos, ay nasira nang gumuho ang lupa. Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.
Ang mga rumespondeng tauhan ng PS4 kasama ang mga tauhan ng Philippine Air Force ay tinulungan ang mga nakatira sa paglilipat ng kanilang mga gamit.
Sa pagsusuri ng CDRRMC sa pangunguna ni Yolanda Munar sa bahay, ang nasabing lugar ay idineklarang hindi akma upang tirhan ng tao.

Amianan Balita Ngayon