AMIANAN POLICE PATROL

Magkapatid, huli sa P200,000 halaga ng droga sa Abra

SAN QUINTIN,Abra

Arestado ang dalawang magkapatid sa pagbebenta ng iligal na droga na umaabot sa halagang
P204,000 sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa San Quintin, Abra noong Disyembre 13,
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Alexander Alcantara Agtual, 45 at Melvin Alcantara Agtual, 35, kapwa residente ng Sta. Maria, Ilocos Sur.

Ayon sa report ng Abra Provincial Police Office, ang magkapatid ay nasakote ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit at San Quintin Municipal Police Station (MPS) sa isinagawang buy-bust operaion, matapos magbenta ng dalawang sachet ng naglalaman ng shanu na may timbang na 30 gramo. Pinuri naman ni Brig,Gen.Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office-Cordillera ang mga operating unit sa isa pang matagumpay na operasyon laban sa iligal na droga sa Abra.

Dinala ang mga suspek sa kustodiya ng San Quintin MPS at mahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Zaldy Comanda/ABN

Dating squad leader ng NPA, sumuko sa Mt.Province

PARACELIS, Mt.Province

Bumalik na sa pamahalaan at sumuko sa mga awtoridad ang dating miyembro ng Communist
Terrorist Group (CTG) sa Camp Henry Acmor sa Barangay Butigue, Paracelis, Mountain Province noong Disyembre 8. Ayon sa ulat na isinumite kay Brig.Gen.Mafelino Bazar, sinabi ng regional director ng Police Regional Office-Cordillera, si Ka Rogelio ay dating squad leader ng nabuwag na Platoon Remo, Central Front ng Komiteng Rehiyon- Cagayan Valley (KR-CV)

Ang pormal na pagsuko ay ginawa matapos ang serye ng negosasyon sa pangunguna ng mga operatiba ng 69th Infantry Brigade (69IB) ng Philippine Army; Paracelis Municipal Police Station (MPS); 2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Company (PMFC) at ang 1502nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15). Sa kanyang pagsuko,
iniabot din sa mga awtoridad ang isang Springfield M1 Garand Rifle at isang Clip na may tatlong (3) basyo ng bala. Nasa kustodiya na ngayon ng Alpha Company ng 69th IB ang rebel returnee para sa custodial debriefing at proper disposition.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon