AMIANAN POLICE PATROL

46 wanted person nalambat sa Cordillera

LA TRINIDAD, Benguet

May kabuuang 46 indibidwal na pinaghahanap ng batas ang nalambat sa isinagawang manhunt
operation na isinagawa ng mga tauhan ng Police Regional Police Office-Cordillera mula Marso 26 hanggang Abril 8. Batay sa tala ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), ang Baguio City Police Office ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang na 20 wanted
naaresto , sinundan ng Benguet PPO na 12 nadakip; 7 sa Ifugao PPO; 5 sa Abra PPO at 2 sa Kalinga PPO.

Sa mga naarestong personalidad, 13 indibidwal ang naitala bilang Most Wanted Persons (MWP); kung saan ang dalawa ay nakalista sa Regional Level, dalawa sa City level, 5 sa Municipal Level at dalawa sa Station level. Bilang resulta ng pinaigting na police visibility at kampanya laban sa kriminalidad noong Abril 2 hanggang 8, 65 munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at dalawang istasyon ng pulisya sa Baguio City ang nananatiling mapayapa dahil naitala ng PROCOR ang zero crime incident sa parehong linggo.

Zero crime incidents ang naitala sa 26 na munisipalidad ng Abra; anim na munisipalidad sa Apayao; walong munisipalidad sa Benguet; anim na munisipalidad sa Kalinga; siyam na munisipalidad sa Mountain Province; at sampung munisipalidad sa Ifugao. Bukod dito, wala ring naitala ang BCPO Naguilian Police Station (PS1) at Aurora Hill Police Station (PS6) sa 10 police
stations sa Baguio City. Noong Marso 26 hanggang Abril 1, ay naitala naman ang 56 munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at limang istasyon ng pulisya sa Baguio City ang mapayapa dahil naitala ng PROCOR ang zero na insidente ng krimen sa parehong linggo.

Zero crime incidents ang naitala sa 24 na munisipalidad ng Abra; tatlong munisipalidad sa Apayao; siyam na munisipalidad sa Benguet; limang munisipalidad sa Kalinga; anim na munisipalidad sa Mountain Province; at siyam na munisipalidad sa Ifugao. Dagdag pa, ang Naguilian Police Station (PS) 1, Camdas PS 2, Loakan PS 4, Aurora Hill PS 6, at Abanao PS 7 ay nagtala rin ng zero crime incident sa 10 police stations sa Baguio City.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon