ANG PAG-AMEYENDA SALIGANG BATAS NG PILIPINAS AT ANG PEOPLES INITIATIVE

Malakas ang ugong sa komyunidad ni “Marites at Tolits” sa kumakalat na tsismis hinggil sa mga nagpapapirma diumano ng “signature campaign” na may kasamang ayuda upang pumirma sa isinusulong na Peoples Initiative ito yung kakailanganin ng ilang porsiyento ng botante ng bansa kung kayat mayroong mga nangangalap ng pirma sa bawat lalawigan at di umano ay may bayad sa mga pumipirma, sabi nga ng isang kakilala ko na isang Tolits “sana all”.

Sa aking opinion kung isusulong man ang nasabing P.I. ( hindi Putang Ina ang ibig sabihin ha kundi Peoples
Initiative ) dapat lang na malinaw ang usaping ito at hindi dapat madaliin ng kung sino man ang namumuno na
kung saan ang itinuturo ay si House Speaker Ferdinand Romualdez na mariin naman niyang itinanggi sa mga nag
iinterbyu na mga media sa Manila. Ganun pa man dito sa lunsod ng Baguio ay hindi pa ata ito nakakarating na “signature campaign” subalit itong nakaraang araw nakapanayam koi sang residente sa Baguio na si Cris Tandoc, dating instructor ng Martial Arts at tubong Baguio.

Aniya kung ito ay makakabuti sa taong bayan bakit natin pipigalan kundi dapat pa ngang suportahan ito, ngaunit kung makakasama naman ay dapat huwag nang ituloy o kaya pag-aralan ng mga mambabatas at ng mga legal minds at pahtutlung tulungan na isulong. Idinagdag pa niya na kung maipapaliwanag sana sa taong bayan ang layunin ng P.I ay maiintindihan ito na kailangan na amenyendahan ang ilang probisyon ng Saligang Batas ng Pilipinas na makakaigi sa ekonomiya ng bansa na magiging alinsunod ang pagbauti ng kabuhayan ng bawat Pilipino.

Sabi pa nga ni Tandoc kung makakabuti ito tutulong ako na magpairma sa taong bayan sa Baguio . Sa kabilang dako naman sa usaping P.I. ay nakiisa si Senador Alan Peter Cayetano sa buong Senado sa pagpapahayag ng pagtutol sa
kumakalat na “People’s Initiative” na layong mangalap ng sapat na pirma para maamyendahan ng Kongreso
ang 1987 Constitution. Mariing sinabi ni Cayetano na “We are one with the Senate in opposing the ongoing People’s Initiative that may diminish the power of the Senate as a collective body,” matapos basahin ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa sesyon noong Martes, January 23, 2024, ang pahayag na pinirmahan ng 24 senador.

“We must… guard against any sinister and underhanded attempt to change the Constitution by exploiting our
democratic process under the guise of people’s initiative,” ayon sa pahayag. Tugon ito sa ulat na may mga dokumentong kumakalat sa bansa na lumilikom ng pirma upang gawing iisa lamang ang pagboto ng Kongreso at
Senado sa isang constituent assembly. Kapag nangyari ito, kayang baguhin ng House of Representatives, na may higit sa 300 miyembro, ang Saligang Batas dahil mas marami sila kaysa sa 24 na miyembro ng Senado.

“It is ridiculous that the Senate, a co-equal chamber of the House, necessary to pass even local bills, will have a
dispensable and diluted role in Charter Change – the most monumental act of policymaking concerning the highest law in the land,” ayon sa pahayag ng Senado. Binigyang-diin din ng pahayag na magiging “powerless” and Senado sa
pagpigil ng mga “radical proposals,” tulad ng pagpayag na magmay-ari ng lupa ang mga dayuhan, pagsuspinde ng term limits ng mga elected officials, at maging ang pagkansela ng eleksyon sa taong 2025 o 2028. Sa pagsasaad ng suporta sa Senado, sinabi ni Cayetano na mahalaga ang “timing’ sa pag-amyenda ng Konstitusyon, at kailangang masusing suriin ang bawat desisyon na may kinalaman sa bagay na ito.

Amianan Balita Ngayon