Brgy. chairman, 5 pa nahulian ng armas sa Pangasinan

Jun 18, 2017

BALUNGAO, PANGASINAN – Isang barangay chairman ang kasama sa anim na kataong naaresto ng mga pulis na sabay-sabay na sinalakay ang iba’t ibang bahay sa Barangay San Julian, Balungao kamakailan kung saan nasamsam ng kapulisan ang maraming armas, kasama ang isang hand grenade, ayon sa ulat ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO).
Ang barangay chairman ay kinilalang si Wilson Gaon, 55, incumbent barangay chairman ng San Julian, Balungao. Nasamsam ng mga pulis mula sa kaniyang tirahan ang isang Colt Automatic Caliber .45 pistol, 51 bala ng Caliber .45, isang Norinco Caliber .45 pistol, at tatlong magazine assemblies para sa Caliber .45.
Ang mga sumalakay ay mula sa iba’t ibang pangkat ng pulisya sa pangunguna ni Supt. Virgilio Pascua, commander ng Provincial Public Safety Company (PPSC), na nagpatupad ng search warrants na inilabas ni Regional Trial Court Executive Judge Ferdinand Fe ng Branch 67 sa Bauang, La Union laban sa iba’t ibang suspek.
Ang mga suspek ay hinihinalang miyembro ng isang gun-for-hire group sa Eastern Pangasinan at ibang parte ng probinsiya.
Kasama sa naaresto ang magsasakang si Joel Lilagan, 36, na nagsuko ng isang caliber .45 Colt pistol na may magazine assembly, Caliber .38 revolver isang 9mm pistol na may magazine assembly, tatlong cartridges na naipaputok para sa Garand rifle bullets at isang holster.
Naaresto rin si Midi Lilagan, 35, isa ring magsasaka, nakita sa kaniyang bahay ang isang bullet-proof vest, isang Super Caliber .22 revolver, isang Caliber .45 pistol, isang magazine assembly ng caliber .45, isang magazine assembly ng caliber .30, mga bala ng iba’t ibang kalibre ng baril, isang camouflage sniper belt, isang camouflage pouch, at isang sling bag.
Sa isa pang bahay, naaresto rin si Efren Ormita, 35. Nakita ng mga pulis sa kaniyang bahay ang isang M16 Armalite rifle, isang magazine assembly ng M16 rifle, 35 na bala ng Caliber 5.56, isang Caliber 9mm pistol Berretta na may isang magazine assembly, isang silencer ng 9mm pistol, 13 bala ng caliber 9mm, isang hand grenade, apat na bala ng Caliber .45, walong cartridge cases na naipaputok na para sa Caliber .45, 12 cartridge cases na naipaputok para sa Cal 5.56, siyam cartridge cases na naipaputok na para sa carbine, isang inside holster, isang bandolier, isang itim na sling bag, isang camouflage sling bag at dalawang clips ng Garand rifle.
Naaresto rin sina Julito Asuncion, 24, kung saan nakita sa kaniyang bahay ang isang rifle grenade at 24 live ammunition; at Christopher Oria, 26, na nakitaan ng isang Colt Cal. .45, pitong ammunition, isang home-made Cal .22 at isang magazine.
Samantala, isa pang suspek na si Jerry Laligan ay wala sa kaniyang bahay nang masiyasat ng mga pulis ang isang hand grenade na nakalagay sa isang pouch.
Ang pagsisiyasat ay isinagawa nang maayos sa harap ng ibang barangay officials ng San Julian at iba pang saksi.
Ang anim na naaresto ay dinala sa Eastern Pangasinan District Hospital para sa medical examination at pagkatapos ay dinala sa PPSC headquarters sa bayan ng Tayug. LVM / PNA

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

Kalinga shooting leaves one dead, one critical A dental technician was killed while another is in critical condition after they were fired...

AMIANAN POLICE PATROL

BCPO ginawaran ng Gold Eagle Award dahil sa mahusay na pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030. Isang makasaysayang parangal ang iginawad sa...

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

Sa lalawigan ng Apayao, isang outreach program ang pinangunahan ng mga kapulisan na miyembro ng PSBRC Class 2015- 02 “PANABAK-MATAGILA” na...

BAGUIO COPS JOINS BRIGADA ESKWELA 2022

BAGUIO COPS JOINS BRIGADA ESKWELA 2022

BAGUIO CITY – As the new academic year approaches, the Baguio’s Finest took part in the Brigada Eskwela efforts being carried out in...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest