Couple huli sa droga, bulto ng marijuana narekobe

CAMP DANGWA, Benguet – Hindi nakapalag ang magasawa nang datnan sila ng pulisya sa kanilang bahay sa isinagawang search operation at nahulihan ng shabu, samantalang mahigit sa P500,000 halaga ng marijuana ang narekober, ayon sa Police Regional Office-Cordillera.

Nabatid kay Police BGeneral Israel Dickson,regional director, ang mag-asawang sina Dennis Millare Montorio,40 at Janice Millare Montorio, 34, ay ibinibilang na High Value Target (HVT) ng pulisya, kaugnay sa pagbebenta nito ng iligal na droga.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Rouella Melinda P Atmosfera of MTC, Lagangilang, Abra, ay ginalugad ng pulisya ang bahay nito sa Barangay Lingtan, Bangued, Abra at nakuha ang dalawang transparent heat-sealed plastic sachet containing suspected shabu at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Dickso, narekober ng operatiba ng PDEA Mt Province, RIU-14, PDEU at Bontoc Municipal Police Station ang inabandonang marijuana bricks sa Sitio Kesat, Bontoc Ili, Bontoc, Mountain Province, na mag dangerous drug board value P576,000, na nalkalagay sa loob ng blu bags ang 4 marijuana bricks na may bigat na 4,000 grams at dalawang tubular marijuana may bigat na 800 gramo.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon