Driver ng motorsiklo, patay sa banggaan sa Pangasinan

Patay ang driver ng motorsiklo matapos makabanggaan ang isang kotse bandang 6pm ng Mayo 15, 2018 sa kahabaan ng national road ng Brgy. Maningding, Sta. Barbara, Pangasinan.
Sa imbestigasyon, binabagtas ng Motorcycle Suzuki Raider 150, pula, walang plaka at minamaneho ni Samuel Posadas Padua, 35anyos, at residente ng Brgy. Kamangaan, Alcala, Pangasinan, ang silangang direksiyon nang mula sa kabilang lane ay inagawan ito ng linya ng itim na Mitsubishi Mirage na minamaneho ni John Dominique Mercado Gatbonton, 28anyos, medicine agent, at residente ng MR Hacienda Royale Telabastagan, San Fernando City, Pampanga, kaya nasagi ang motorsiklo.
Agad na rumesponde ang mga otoridad ng Sta. Barbara PNP at nakipag-ugnayan sa Sta. Barbara Rescue Team. Ang parehong driver ay dinala sa R1MC Dagupan City subalit ang driver ng motorsiklo ay namatay habang ginagamot. Ang suspek ay nasa kustodiya ng kinauukulang himpilan ng pulis para sa tamang disposisyon.
 

Amianan Balita Ngayon