Hinihinalang drug personality, patay sa police operation sa Ilocos Sur

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO – Patay ay hinihinalang drug user sa nangyaring buy-bust operation bandang 10:50am ng Agosto 23, 2018 sa San Sebastian, Ilocos Sur.
Kinilala ang suspek na si Tyron Janus Forges, 30anyos, residente ng Brgy. Poblacion, San Vicente, Ilocos Sur at kabilang sa DI watchlist.
Base sa imbestigasyon, naglabas si Forges ng armas at nagpaputok laban sa poseur buyer nang magpakilala itong police officer at nagdeklara ng pag-aresto. Masuwerteng nakapagtago ang police officer sa likod ng container van na malapit at nangyari ang shoot out.
Nagtamo si Forges ng gunshot wound sa kaniyang katawan at dinala sa Northside Doctors Hospital, Bantay, Ilocos Sur para magamot subalit idineklarang dead on arrival.
“I affirm the continuous conduct of anti-illegal drug campaign in Region 1. In this manner, we can clear our region from threats of drug abuse,’’ ani PCSupt Romulo E.Sapitula.
Nakita mula sa crime scene ang tatlong piraso ng fired cartridge ng Cal .45; dalawang piraso ng fired cartridge ng Cal .9mm; isang Colt Cal .45 na may nakalagay na magazine; 5 transparent heat sealed plastic sachets na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu; P2,500 marked money; at isang Nokia cellular phone;
Ang nakumpiskang heat sealed plastic sachets na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu ay dinala sa Crime Laboratory Office para sa laboratory examination habang ang ibang piraso ng ebidensiya ay ibinigay sa SOCO Ilocos Sur para sa tamang disposisyon.
Iniutos ni Sapitula na magsagawa ng ballistics examination at cross matching ng nakumpiskang Colt Cal .45 upang malaman ang mga posibleng sangkot sa iba pang krimeng nangyari sa rehiyon.

Amianan Balita Ngayon