Ika-127 kaarawan ni Pang. Quirino, ipinagdiwang ng Bauang

BAUANG, LA UNION – Ginunita ng Bauang Local Government Unit (LGU) ang ika-127 kaarawan ni President Elpidio Rivera Quirino noong November 16, 2017 sa Bauang Town Plaza.
Si Elpidio Quirino ay isang presidente na may mataas na intelligence quotient (IQ) at mayroon ding mataas na emotional quotient (EQ) dahil isa siyang presidenteng nag-isip ng kapakanan ng mga ordinaryong Pilipino, itinabi ang kaniyang sariling damdamin at personal na interes. Inilapat niya sa gawa ang kanyang mga salita, “Tolerance, Goodwill and Love”.
Ayon kay Dean Gloria Santos ng Philippine Historical Association, “Quirino is regarded as the Father of Foreign Service for as the first secretary of foreign affairs, he was responsible for the establishment, development and growth of the Foreign Service.”
Siya ang kauna-unahang presidente na nagtatag ng industrialization para sa pag-unlad ng bansa. Pinirmahan ni Quirino ang batas para sa pagpopondo ng Central Bank of the Philippines, ipinasa ang Minimum Wage Law, binago ang Women’s Compensation Act at 8-hour Law. Ginawa niyang kapital ng Pilipinas ang Quezon City.
Sinabi ni Quirino na, “So conduct yourself that both in public and in private life you can always look straight into any man’s eyes and tell him ‘Go to hell!’”
Binasa ni SBM Alexander Romeo Obong ang biography ni President Quirino sa mga lumahok upang makilala pa nilang mabuti ang pangulo. Ang aktibidad ay humantong sa wreath laying ceremony na pinangunahan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, Philippine National Police at BJMP.
Ang pagdiriwang ay nilahukan ng local government officials, department heads, employees, barangay captains at mga principal ng elementary at secondary schools. Bauang PIO / ABN

Amianan Balita Ngayon