Isa sugatan sa banggaan ng motorsiklo at SUV

Sugatan ang driver ng isang motorsiklo na nabangga ng isang sport utility vehicle sa intersection ng Kisad, Carino at Abanao Extension Road, Baguio City, 9am ng Marso 12.
Kinilala ang driver ng Yamaha Mio motorcycle na may temporary license number na 140101 na si Danny Javier, 20 anyos at residente ng Purok 8, Kias, Baguio City habang ang nakabanggang Hyundai Sta Fe SUV na may license number na P10-176 ay minamaneho naman ni Francis Fabic, 29 anyos at residente ng 80-B Rosa Alvero Street, Loyala Heights, Katipunan, Quezon City.
Ayon sa ulat ng pulis, galing sa direksyon ng Kisad Road ang SUV at patungong Abanao Extension nang ito ay bumangga sa motorsiklo ni Javier na galing naman sa Legarda Road patungong Shanum Road.
Sa sobrang lakas ng salpok ng banggaan, napunta sa kabilang linya ang motorsiklo na naging dahilan naman upang bumangga ito sa Chyster Cimaroon Jitney na may plakang AYF-414 na minamaneho naman ni Reiel Menesses, 40anyos, at residente ng City Camp Proper, Baguio City.
Ani Menesses, nang makita niyang paparating ang motorsiklo, kaagad niyang tinapakan ang preno ng kanyang sasakyan.
Dinala naman sa Baguio City General Hospital si Javier na nagtamo ng sugat upang magamot na kaagad.
Gayunpaman, hindi pa matukoy ng awtoridad kung sino ang tunay na may kasalanan sa aksidenteng nagresulta sa multiple damage to property at physical injury. MARK BROZULA VILLAFLORES, UB Intern

Amianan Balita Ngayon