Grade 1 student, nabangga ng taxi

Isinugod sa ospital ang isang Grade 1 student matapos na nabangga ng isang taxi sa Purok 12, Irisan sa pagitan ng Science National High School at Philippine Science National High School dakong 4:30pm ng Marso 13, 2018.
Ayon sa pasahero na si Juzi Saya-Aw Bud-oy, 33 anyos, ang kanyang sinasakyang taxi na Isuzu 2013 XL Wagon na may plakang AYT 565 na minamaneho ni Nathaniel Carantes, 24 anyos, may-asawa, nakatira sa Poblacion East, Pugo, La Union ay bumuwelta galing San Carlos Heights papuntang Irisan Road nang aksidenteng mabangga ang batang si Emmanuel Diola Libatiquc, 6 anyos, nag-aaral sa West Ville School Incorporated, at nakatira sa Irisan, Baguio City. Tumakbo diumano sa daan ang bata na naging sanhi ng kanyang pagkabangga.
Ayon naman sa ina ng bata na si Shiela Mar Diola Habiling, 42, balo, tumakbo ang kanyang anak matapos nilang iwasan ang isang dump truck.
Si Emmanuel ay dinala sa Baguio General Hospital kasama ng ina at pasahero ng taxi at nagtamo ng mga sugat na dulot ng pagkabangga nito. MICHAEL R. MARTINEZ, UB Intern

Amianan Balita Ngayon