Masahista, sinaksak

Isang massage therapist ang sinaksak sa kaniyang sariling tahanan noong Agosto 30, 2017 bandang 7:40pm sa Paraan Street, Victoria Village, Baguio City.
Kinilala ang biktima na si Renato Daileg De Guzman, may-asawa, isang massage therapist at nakatira sa nasabing lugar, samantalang kinilala rin ang mga suspek na isang nagngangalang ‘Denden’, isang Marvin Jeffrey a.k.a. ‘Bunso’ at isang Cecille, lahat mga residente ng Victoria Village.
Napag-alaman sa imbestigasyon na kumatok ang mga suspek sa gate ng boarding house ng biktima na agad binuksan ng biktima at tinanong kung ano ang kailangan nila subalit nagtulong-tulong ang mga suspek at sinaksak ang biktima sa tiyan at dibdib at agad nagpulasan. Agad ding itinakbo ang biktima ng kaniyang asawa sa BGHMC.
Ginalugad ng mga rumespondeng pulis ng Sation 1 ang lugar ng pinangyarihan ng insidente subalit walang nahuli ang mga ito.
Patuloy na inoobserbahan ang biktima sa ospital habang patuloy din ang follow-up investigation sa insidente.

Amianan Balita Ngayon