Ni-rape na, tinalupan pa ng mga demonyo

Mga tinamaan ng sangtoneladang pagmumura ng bayan. Yan ang mga demonyong gumahasa na nga, tinalupan pa ang mukha ng biktima at nagtapyas pa ng ilang parte ng katawan ng kawawang dalagita.

Mga walang habag. Ano na ba ireng nangyari sa ating bansa? Parang nangyayari lang ito sa mga islang mga hayop lang ang nakatira. Masahol pa sa demonyong animal ang gumawa ng karumal-dumal na krimen sa nakakaawang dalagita.

Sige, uriratin natin upang maibsan ang kumukulog at kumikidlat na damdamin ng taumbayan sa pangyayari:
*****
Mula sa barangay Bangkal sa Lapulapu, Cebu City, isang dalagitang tumutogon sa pangalang Christine Lee Silawan ang nakitang bangkay na sa isang bakanteng lote na walang saplot dakong alas sais ng umaga.

At ang nakakapanindigbalahibong anyo ng biktima ay tadtad ng saksak ang buong katawan, hinihinalang nagahasa, binalatan ang buong mukha at may mga parte ng katawan ang nawawala.

Anong klaseng mga demonyo ang may kagagawan nito? Sabi nga ng mga nagiimbestiga, mga tatlo raw diumano ang mga demonyo sa likud ng krimen bagama’t ang pangunahin ay ang huling nakatext ng mestisahing biktima.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, ang dalagita ay isang kolektor ng Sacred Heart Church. Nag-alala raw ang mga magulang nang hindi pa umuuwi ang anak kaya sila naghanap.

At yon na nga ang eksena. Masakit at nakakasumpa ang nakita ng mga imbestigador. Matapos ang otopsiya, nalaman na ang biktima aytinanggalan kanyang dila, esophagus at trachea, nalapnos din ang ilang bahagi ng leeg at nawawala ang kanyang teynga.

Anong klaseng kahayupan ang ginawa ng mga suspek na mga yon?
Ayon sa imbestigador, naka-droga ang mga suspek kaya nagawa ang grabeng pagpapahairap sa biktima.
******
Dahil sa karumaldumal na nangyari sa biktima, salasalabat na ang mga hinala, kuwento at mga haka-hakang naglabasan.

Hindi na gawain ng matinong tao ang krimen. Masahol na talaga sa demonyo ang nasa likud nito. Ang malaking katanungan ay ito: bakit binalatan pa ang mukha ng biktima at inalis ang ilang bahagi ng kanyang katawan?

Yan nga ang mga dahilan kung bakit grabe ang tiimbagang galit ni Pangulong Duterte nang magsalita hinggil dito. Lalong tumindi ang kanyang babala sa mga taong gumagamit ng droga lalo na sa mga kabataan.

Muli siyang nanumpa na susupilin ang mga galamay ng illegal na droga sa bansa habang siya’y nasa poder. At sa isyu naman ng katarungan para sa biktima ng kademonyohang nangyari kay
dalagitang Silawan, buong bansa at buong mundo ang komokondena.

Sabi nga ng ilan: kung mahuli ang mga suspects, dapat bitayin na agad. Upak naman ng marami, dapat ibalik na kasi ang “death penalty” upang magtanda ang mga kriminal na nasa likod ng
mga karumal-dumal na paglabag sa batas.

Sabat naman ng mga moralista: “dapat ay firing squad ang gawing parusa sa mga bumiktima sa dalagita. Kasi nga naman, habang patumpiktumpik ang kagat ng ngipin ng batas, baka mabubungi na ito, wala pa ang hintay na hustisya.

Umabot na sa P1.6Million pesos ang reward sa pagkakalutas ng naturang krimen. Pero habang sinusulat ang espasyong ito, wala pang lumalantad na linaw.

Bakit kaya? May mga mabibigat bang dahilan kung bakit parang takot yata ang mga saksi na ilantad ang katotohanan sa likud ng malaking pabuya?

Sana walang kinalaman ito sa pulitika. Sana ay sa illegal na droga na lamang ang lalabas na dahilan at wala ng iba. Kung ang Daplis ang tatanungin, iisa lang ang sagot namin diyan: higit pa sa parusang ginawa ng mga suspects sa biktimang dalagita ang dapat na magiging parus sa mga suspek.

Balatan din ang kanilang mga talampakan at patakbuhin sa buhanginan saka tadtaring ala-shawarma para hindi panularan! Amen. Adios mi amor, ciao, mabalos!

 

Amianan Balita Ngayon