Notoryus na drug pusher natiklo ng PDEA

BAGUIO CITY (May 21, 2020) – Nadakip ng mga elemento ng Philipine Drug Enforcement Agency ang isang notoryus na drug pusher na isa ring chef sa isang restaurant sa lunsod ng Baguio sa isinagawang buy-bust operation sa barangay Kitma Village noong nakaraang Biyernes ng umaga.
Nakilala ang suspek na si Jeoffrey Damian, 35 anyos ng Kitma Village sa lunsod. Ayon sa mga ahente ng PDEA hindi na nakapalag ang suspek ng posasn ito matapos bentahan ang isang di niya nakikilalang poser-buyer na PDEA agent.
Nakumpiska ang dalawang plastic sachet na may lamang shabu mula sa suspek.
Ayon sa PDEA-Cordillera isang high-value target diumano ang suspek na kung saan ay nakakagalaw at nakakalibot di lamang sa lunsod kundi maging sa Manila dahil sa kanyang nakuhang travel permit mula sa Baguio City Hall.
Idinagdag pa ng PDEA-Cordillera na may “connect” umano ang suspek sa mga pinaghihinalaang mga drug pushers na kung saan ay pinaslang ang mga ito noong mga nakaraang buwan dahil sa kanilang iligal na pagbebenta ng bawal na gamot gaya ng shabu..
Artemio A. Dumlao/ABN
 

Amianan Balita Ngayon