P111.6 Milyon marijuana plants sinira sa Kalinga

TABUK CITY, Kalinga – Muling naka-iskor ang magkakasanib na tauhan ng Kalinga Provincial Police Office,Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at Naval Forces Norther Luzon ng P111.6 milyong halaga ng marijuana plants mula sa apat na araw na operation sa bayan ng Tinglayan,Kalinga.
Magkakahiwalay na sinalakay ng mga operatiba ang tatlong marijuana plantation sites sa Barangay Tulgao West at 3 plantation sites sa Barangay Loccong at pinagbubunot ang may kabuuang 558,000 piraso ng fully grown marijuana plants na Standard Drug Price na P111, 600,000.00.
Nabatid kay Col. Peter Tagtag,Jr., provincial director, sa tatlong plantation sites sa Mt. Bittulayungan, Barangay Loccong ay binunot ng mga operatiba ang may kabuuang 135 piraso ng FGMP mula sa pinagtaniman nitong 12,000 square meter lot na may halagang P24,000,000.00
Sa tatlo pang plantation sa Sitio Balay, Barangay Tulgao West ay nabunot naman ang kabuuang 438,000 FGMP na nakatanim sa may 43,800 sqm.lot na may halagang P87,600,000.00. Ayon kay Tagtag, habang sinusunog ng mga operatiba ang mga marijuana noong umaga ng Hulyo 27 ay naramdaman ang lindol,pero umalis lamang sa lugar ang mga kapulisan nang matiyak na abo na mga marijuana.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon