P5.9M halaga ng marijuana, nasamsam sa Kalinga

LA TRINIDAD, BENGUET – Nasamsam ang halos P5.9milyon fully-grown marijuana plants sa patuloy na paglusob sa mga ilegal na plantasyon sa Kalinga.
Tinatayang 33,860 fully grown marijuana plants ang sinunog sa barangay Buscalan at Loccong, Tinglayan na nagkakahala ng P5.7milyon noong Mayo 27.
Ngunit hindi nahuli nina Sr. Supt. David Peredo at kaniyang mga tauhan mula sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB-15) at Kalinga police ang mga nagtatanim.
Ang patuloy na pagkakadiskubre sa mga plantasyon ng marijuana sa Tinglayan ay patunay na ang “cannabis agriculture” sa probinsiya ay hindi pa nagwawakas.
Nilusob ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA-CAR) at lokal na police ang 800-square meter na marijuana plantation noong Mayo 25 sa Barangay Loccong at sinunog ang P9,022,000 halaga ng marijuana.
Sinalakay din ng mga otoridad ang 11 marijuana farms sa Barangay Buscalan, Tinglayan, na may 5,180 square meters. Tinatayang 41,910 piraso ng fully-grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P8,382,000 ang sinunog.
Wala ring nahuli sa nasabing pagsalakay.
Noong ikalawang linggo ng Mayo, panibagong P8.7 milyong halaga ng marijuana plants ang tinupok sa Tinglayan.
Mabilis din ang pagsalakay ng PDEA Cordillera, Regions 1 at 2 at pinagsamang lokal na pulis ang limang ilegal na marijuana plantations sa Barangay Tulgao East at sinunog ang 36,050,000 fully-grown plants at 3,000 piraso ng marijuana seedlings na umaabot sa kabuuang halaga na P8,730,000. Wala ring nagtatanim ang nahuli.
Sinalakay din ng mga otoridad ang halos 15 marijuana plantation sites sa Barangays Buscalan at Loccong at sinunog ang halos 860,000 fully-grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P17.4 milyon bawat isa sa tatlong araw na pagsalakay noong Abril 27. Mayroong halos 847,000 fully-grown marijuana plants at 13,000 marijuana seedlings ang sinunog.
Sa mga nakaraang buwan, patuloy ang mga otoridad sa pagsalakay sa mga marijuana plantations sa mga nasabing barangay matapos sunugin ang halos 80 marijuana plantations dalawang taon ang nakararaan.
Ayon sa Cordillera police, patuloy ang government operatives sa paggalugad sa mga liblib na barangay sa mga bayan at sa palibot ng Kalinga.
Nauna rito, kinumpirma ni Kalinga Governor Jocel Baac ang malaganap na illegal marijuana plantations sa Loccong ngunit tinukoy na socio-economic ang dahilan sa likod ng mga illegal agriculture sa mga barangay.
Ang illegal agricultural activity ay matagal nang mayroon, ayon kay Baac, simula pa noong panahon ni dating presidente Fidel Ramos bilang chief ng Philippine Constabulary at police. “Time pa (niya) sinusunog na yan,” pahayag ni Baac, “the problem is, every time they burn or uproot, kumakalat naman ang buto.  Pag umulan, according to residents, tutubo ulit.”
“The government should instead provide good roads and irrigation systems in those villages, para ma-convert and mga tao into farming,” mungkahi ni Baac.
Subalit sinalungat ni Baac na lahat ng mga mamamayan sa barangay sa loob ng Mt. Chumanchil complex sa Tinglayan ay nasa marijuana plantations. “Basta na lang daw tumutubo,” aniya.
Ayon naman sa PDEA-Cordillera, patuloy ang pagsalakay ng mga otoridad sa mga maliliit na pansamantalang kubo sa mga nasabing plantasyon na palatandaan na mayroong tila nagbabantay sa mga farms.
Pitong taon na ang nakararaan, kinilala ng mga Cordillera police ang Kalinga bilang next huge hotspot ng marijuana plantations sa Cordillera.
Subalit noong Pebrero 12, 2017, naideklara ng Cordillera police ang Kalinga bilang drug-free. A.ALEGRE

Amianan Balita Ngayon