PEACE AND ORDER SA BAGUIO, TRAPIKO AT IBA PA

Isang mainit at maalab na pagbati sa ating mga suporter at mga readers ng Amianan Balita Ngayon dito sa Baguio at Benguet at pati na rin sa mga taga La Union sa pangunguna ni Gov. Rafy Ortega David . Shout out din kay Bauang Mayor Martin De Guzman at kay San Fernando City Mayor Dong Gualberto mga Ka Bagis ko sa Samahang Ilocano (SI).

Medyo matagal din tayong nagpahinga sa pagsusulat ng kolum na “OK NGAROD” dahil nagpahinga tayo gawa ng dinanas na karamdaman at ngayon ako ay nagpapasalamat sa Poong Ama sa Langit dahil muli niya akong pinalakas. Salamat din sa aking doktor na si Dok Leonardo Ritos sa maibisang gamot na kanyang ibinigay at siyempre sa mga hebal plant na aking
kinakain gaya ng insulin plant at Serpintina .

At salamat sa aking pamilya na tiis na mag-alaga sa akin. Iba talaga ang pagaalaga ng pamilya Thank to my wife Grace and my children for keeping me strong.


 

Nais kong batiin ang station 7 Chief na si P/Major Lee Alvin Alinao at sa kumpare ko na si Johan Teope .General Manager ng CenterMall sa pagimbita sa akin na sumali at tumulong sa Station Advisory Group ng Precint 7 (Abanao Police Station) Sa maikling panahon na ako ay nakipag participate sa grupo ay nakita ko na malaki ang ginagalawan ng pulisya ng Precinct 7 sa pagpupunyagi na maayos ang Peace and Order na kanyang nasasakupan dangan nga lang at ito ay hindi minsan maintindihan ng ating mga kababayan ,ika ng kailangan talaga ang Disiplina,
Kooperasyon at Pakikisama.

Binabati ko ang Precinct 7 at ang SAGPTD sa naging resulta ng Institutionalization Evaluation
Process ng Abanao Polie Station dahil sa naging mataas ang nakuhang grado nito mula sa mga evaluator na pinangunahan ni P/Lt.Col Johnson Abllera, P/Lt.Col Dinky Del-ong , DILG local chief Sol Benwaren , P/Lt..Col Baldwin Sokoken na umabot sa “High Impact” ibig sabihin maari pa nilang ma-aatain ang mas mataas na grado na may 10 percent na lang ang aabutin upang makuha ang 100 percent na grado. Kaya ang suggestion ko kay P/Major ALinao dagdagapan pa ng sipag , tiyaga at talino.


 

Isa sa aking iminungkahi sa Abanao Police Station na magkaroon ng panukala na ayusin ang trapiko sa may kahabaan ng Otek St. na kung saan ay dito itinambak ang paradahan ng mga PUJ ng Irisan, Bengao, Kitma, Crystal Cave at City Camp susmaryusep talaga namang mabigat ang
trapiko sa lugar na ito gawa ng double parking ng mga jeep ng Irisan at City Camp at kahit anong pakiusap ng mga barangay opisyal negative pa rin dahl anila nagbabayad daw sila ng parking fee, a Ganun ba sir?

E paano naman kung ang mga private vehicle na umuupa sa mga building sa kahabaan na ito ang magbigay ng proposal sa city government na aplyan din nila ng parking ang kalsada na kanilang kasalukuyang pinaparadahan? Nalaman ko kamakailan lamang na ang parking pala na mga jeep na ito ay pinahintulutan ng CEO ng Baguio ang tanong nakikita ba nila ngayon ang epekto ng ginawa nilang pagtatambak ng mga paradahan sa lugar na ito?

For your information, may namatay na pong tao na nasagasaan sa may Rizal Park kamakailan lamang , ito ay dahil sa sobrang trapik at nataon pa na araw ng o oras ng pasukan ng mga estudyante at mga nagtratrabaho sa mga opisina kung kayat sobra ang trapik sa nasabing lugar.
Idagdag mo pa dyan may ilang mga jeepney drayber na kung makaharurut ay wagas akala mo nasa highway sila, at akala mo sila lang ang dumadaan sa mga kalsada.

Itong nakaraang Undas napansin ko na kaunti ang umakyat sa Baguio at ito ay nakapabigay ng ginhawa sa mga kalsada sa ating lunsod. Napansin ko rin na maayos ang naging trapiko sa may
sementeryo sa may Naguillian Road talagang tinutukan ito ng Baguio City Police Office at ng Precinct 1 Chief na si P/ Major Julius Basinga na kung saan ay nag-eefort sa pagsasaayos ng trapiko at sa lalakaran ng mga taong dumadalaw sa sementeryo, Tinitukan din ni P/Major Basinga ang mga
bagahe ng mga taong pumapasok sa sementeryo dahil ipinagbawal ang pagdadala ng alak mga patalas at mga maiingay na mga bagay.

Speaking of ceity’s cemetery , kapansin pansin na ang bakod na humaharang sa sementeryo at sa Shangrila Village ay kailangan ng ayusin o rehabilitate na ito dapat ng palitan ang bakod ng
sementeryo na kamakailan lamang ay nagrereklamo na ang mga nakatira sa Shangrila Village dahil sa sira -sirang bakod at hiling ng mga taga Shangrila kay Mayor Benjie Magalong na kumpunihin na ang nasabing bakod na minsan ay dinadaanan na rin ng mga taong nakatira sa sementeryo.

Nakahanda naman tumulong ang association ng Shangrila sa city government sa pagkumpuni ng bakod dahila anila sila rin ang makikinabang at magiging maayos rin ang bakod na sementeryo. Isa pa nalaman ko rin na ibang sirang kabaong at ilang buto ng tao ay itinatapon sa kabilang bakod ng Shangrilla property na labis na ikinagulat ng mga residente Sa ngayon ay umaapela sila sa tanggapan ni Mayor Magalong at Vice-Mayor Faustino Olowan na bigyan ng pondo ang pagsasaayos ng bakod ng Sementeryo.

TFP

Amianan Balita Ngayon