Sa ikawalong-taon at sa susunod pa, tuloy-tuloy ang samahan

Walang pagsidlan ang aming kasiyahan at pasasalamat sa pagsapit ng ika-walong taon ng walang humpay at walang patlang na paglilingkod sa komunidad at mamamayan ng Hilagang Luzon ng inyong pahayagang Amianan Balita Ngayon.
Tunay na kay-bilis ng pag-usad ng panahon at sa loob ng walong taon na ito ay walang pagdududang ginabayan tayo ng Panginoong Diyos na pinaniniwalaan naming sa Kaniya nagmula lahat ng mga biyaya, karunungan at tagumpay – kaya sa Diyos ang una naming lubos na pasasalamat.
Ang sipag, tiyaga at katapatan ng mga kasama sa trabaho, mula sa editorial, marketing at circulation, sa mga contributors at kolumnista ay karapat-dapat lamang bigyan-pansin at bigyan halaga dahil sa kanilang malaking ambag sa pagpapanatili ng ating pahayagang para sa komunidad, kabilang na ang mga sumakabilang-buhay at mga kasamang humanap ng mas malaking oportunidad sa buhay – taos-puso rin ang aming pasasalamat sa inyo.
Hindi namin mararating ang walong taon ng matinding kompetisyon sa mundo ng pamamahayagan kung wala ang mga tumatangkilik at mga advertiser na ang marami sa kanila simula pa lang, (unang edisyon) ay nakasama na  namin at patuloy na sumusuporta, naniniwala at nagtitiwala sa Amianan Balita Ngayon, kaya ang aming marubdob na pasasalamat sa inyong lahat.
Maraming salamat po sa Pamahalaang Lungsod ng Baguio – kay dating mayor Mauricio Domogan; sa Pamahalaang Panlalawigan ng Benguet – kay dating Governor at ngayo’y Congressman Nestor Fongwan; at dating Vice Governor Florence Tingbaoan, sa Pamahalaang Bayan ng La Trinidad – kay Mayor Romeo Salda; sa Pamahalaang Panlalawigan ng La Union – kay Governor Francisco Emmanuel “Pacoy” Ortega III; sa Pamahalaang Bayan ng Bauang, La Union – kay dating Mayor Eulogio Clarence Martin De Guzman; sa Pamahalaang Lungsod ng Vigan; sa PRO-COR, BCPO; sa Department of Agriculture –CAR; sa Department of Health – CAR-kay Dr. Amelita Pangilinan; sa Benguet State University (BSU); sa University of the Cordilleras (UC); sa University of Baguio (UB); sa Baguio Central University; sa Baguio Water District, sa BFP-CAR, sa DENR-CAR, sa NNC-CAR; sa RDC-NEDA-CAR; sa PNA-CAR; sa PIO-Baguio; sa PIA-1; at PIA-CAR.
Taos-pusong pasasalamat sa SM City Baguio; Baguio Center Mall; BENECO; NGCP; Albergo Hotel and Residences; Puerto de San Juan; John Hay Management Corp. (JHMC); Philex Mining Corp.; Lepanto Mining Corp.; Benguet Corp.; Veterans Bank; Davies Paints; Microtel; Villa Silvina; Pumilime Water Delivery and Allied Services; Alekin Beach Resort; Coconut Grove; Jessica’s Beach Resort; Priscilla’s Beach Resort; Herbal City; Fred MedPhar; GB and Carol General Merchandise; GB Sports; Fred and Carol General Merchandise; Wilnelia’s Medhealthcare Shop; Batawa Spa and Wellness; Batawa General Merchandise; Batawa Bar and Restaurant; E. Ganzon, Inc.; SN Aboitiz; SMART Telecommunications; Holiday Inn Baguio City Centre; Suntrust Properties, Inc.; Vista Residences Baguio; HEDCOR; FRB Foundation; at Yamang Bukid Healthy Products, Inc.
Maraming salamat din kay Congressman Mark Go; Mayor Benjamin Magalong; dating konsehal ng Baguio Atty. Edgar Avila; dating Congressman Nick Aliping; Baguio Vice Mayor Faustino Olowan; dating Vice Mayor Edison Bilog; Ms. Annaliza Chan; Tambalang Edong Carta at Jimmy Luzano; Ikit ng Bayan – Ara Katter; Unique Printing Press; at sa mga nakaligtaan sa listahang ito, maraming salamat po.
Ang selebrasyon ng anibersaryo sa taong ito ay simple lamang at payak dahil sa itinututok namin ang paghahanda sa ika-sampung taong anibersaryo ng Amianan Balita Ngayon sa Setyembre 4, 2021, kung saan sa tulong at suporta ng mga masugid na tagapag-tangkilik ay mas maraming aktibidad ang aming ilalaan.
Sa muling paggabay ng Ama sa langit at walang-tigil na pagsama ng mga naniniwala at nagtitiwala sa aming pahayagan ay tiyak naming mararating ang ituturing naming isang makasaysayang pagkakataon – ang ika-sampung taon ng Amianan Balita Ngayon.
Nawa’y magsama-sama pa rin tayo sa susunod na mga taon tungo sa mas ikahuhusay ng paglilingkod sa kababayan, komunidad at sa bayan.
Muli, maraming salamat po at pagpalain tayo ng Poong Maykapal.

Amianan Balita Ngayon