Smoking ban sa Pilipinas, sakop kahit banyaga

Jun 4, 2017

LUNGSOD NG DAGUPAN – Ang smoking ban, alinsunod sa executive order na nilagdaan ni Pangulo Rodrigo Duterte, ay saklaw hindi lamang mga Pilipino kundi pati na rin mga banyagang naglalagi sa bansa.
Ayon kay Francisco de Vera Jr., isang nurse mula sa Department of Health (DOH) regional office, ang mga banyaga ay maaaring hulihin kung sila’y maninigarilyo kahit saan maliban sa designated smoking areas (DSA) na kabilang sa Executive Order (EO) No. 26. Aniya, ang mga hotel na tinutuluyan ng mga banyaga ay kinakailangang maglagay ng DSA kung saan lahat ay maaaring manigarilyo na hindi aarestuhin.
Ang mga DSA ay kinakailangang 10 metro ang layo mula sa doorways at exits ng bawat hotel.
Ang mga banyaga ay hindi maaaring manigarilyo sa kanilang mga hotel rooms dahil kapag nakita, ang mga banyaga at ang may-ari ng hotel ay may pananagutan sa paglabag ng EO No. 26.
Ang parusa sa mga lumabag ay hindi bababa sa P500-P1,000 para sa unang paglabag; P2,000-P5,000 para sa ikalawang paglabag; at P5,000-P10,000 para sa pangatlong paglabag.
Sinabi pa niya na mas mataas ang ibibigay na parusa sa mga tindahan o establisimyento na nagtitinda ng sigarilyo sa mga menor de edad mula 13 hanggang 17 taong gulang.
Ang mga lumabag ay papatawan ng multa mula P100,000 at pagkakulong ng isang taon para sa unang paglabag at P200,000 na multa at dalawang taong pagkakulong para sa ikalawang paglabag.
Ani De Vera, namumuno sa information drive ng EO No. 26, na mas mabuting huwag na lang manigarilyo kaysa mahuli sa paglabag ng Anti-Smoking Law.
Ayon pa sa kaniya, mapapahaba ang life span ng isang tao na mahigitan ang 70-taon na karaniwang life span ng mga Filipino kung hindi maninigarilyo. LVM/PNA / ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest