Tatlong umano’y rebeldeng NPA sa CAR nilinis ang mga pangalan

LA TRINIDAD, Benguet – Isang batang rebelde, kaniyang ina at isang barangay chairman sa Baguio City ang “nagpasakop” sa mga pulis ng Cordillera upang sa huli ay “linisin ang kanilang mga pangalan” bago magtanghali noong Martes.
Pormal na isinuko ang mga sarili nina Jason Caoili Isnara alyas “Ka Balyer” at kaniyang inang si Dominga Isnara alyas “Ka Nanay” kay Cordillera police director Brig. Gen. RWin Pagkalinawan sa regional headquarters ng pulisya sa Camp Dangwa dala ang isang automatic rifle, isang 45 kalibre pistol, dalawang hand grenade, at ilang mga bala. Sinabi ng mag-ina sa mga pulis ng Cordillera na gusto nilang mamuhay na ng tahimik matapos ang limang taon sa patagong kilusan.
Inamin ni “Ka Balyer” na dati siyang nagging cultural activist sa lungsod ng Baguio noong 2013 bago ma-recruit sa New People’s Army matapos ang isang taon at naitalaga sa quad borders ng Benguet-Abra-Mt. Province-Ilocos Sur (BAMPIS), inabandona ang kilusang rebelde walong buwan ang nakakaraan, habang si “Ka Nanay” ay kadalasang nagbibigay “kanlungan” sa mga rebeldeng NPA na dumaraan sa kaniyang bahay sa Sagada, Mt. Province “dahil ang kaniyang anak ay kasama ng mga rebelde”.
Hinikayat ni “Ka Nanay” ang mga estudyante na huwag sumali sa kilusang rebelde “dahil wala kayong kinabukasan sa mga bundok kasama ang NPA”,  sinabi niya sa kanillang wika. “Bumaba na kayo, kasi wala kayong kinabukasan sa bundok.”
Si “Ka Balyer” na naging isang squad leader ng isang unit ng NPA sa lugar ng “BAMPIS” ay hinikayat din ang kaniyang team mates na sumunod din sa kaniyang ehemplo at mamuhay ng tahimik.
Habang si Jose Cawiding isang barangay chairman ng Hillside sa Baguio City ay sumuko kay Brig. Gen, Pagkalinawan upang “linisin ang kaniyang pangalan”.  “Actually, it is my third time to submit myself,”  pahayag ng barangay chairman.
Si Cawiding na pinaghinalaan ng mga awtoridad na nagtago sa pangalang “Ka Willy” at ayon kay Brig. Gen. Pagkalinawan na binanggit ang intelligence community bilang nakalista sa First Quarter ng 2020 watchlist bilang isang “aktibista” na nag-ooperate sa Baguio City ay nagging aktibo sa makakaliwang grupo noong 1986. Nagin glider din siya ng Bayan Muna partylist.
Naging isang volunteer mediator si Cawiding sa Philippine Mediation Center (PMC) sa Baguio City at Benguet noong 2006.
Pagkatapos ng isang taon, sinamahan ni dating NBI Cordillera director Jose Limmayog si Cawiding sa Camp Dangwa upang linisin ang kaniyang pangalan, bagaman noong Oktubre 1, 2000 ay nahuli siya ng intelligence agents sa kahabaan ng Abanao Street sa Baguio City dahil sa paratang na murder at frustrated murder ipinila sa Regional Trial Court Branch 35 sa Bontoc, Mt. Province na may pabuyang PhP500,000.00 para sa kaniyang ikakahuli. Nakulong siya ng anim na buwan sa Benguet provincial jail habang inakala niya prinoproseso na malinis ang pangalan niya ay nagpatuloy. “Akala ko nun,  nalinis na pangalan ko.”
Subalit bago ang ECQ sa Baguio City, isang pulis na pamangkin ni Cawading ang pumunta sa kaniyang opisina sa barangay upang sabihan siya na linisin ang kaniyang pangalan dahil may desisyon na ang korte na pinapawalang-sala siya kasong murder at frustrated murder laban sa kaniya noong Marso 16. “But because of the lockdowns,  I did not get to go to Camp Dangwa to submit again for the third time,” aniya.
“I served 10 years as a barangay kagawad (in Hillside) before becoming barangay chairman,” ani Cawiding said, at dagdag niya, “sana ma clear na ang aking pangalan.”
Sa pagtanggap sa “pagpapasakop” ng tatlo ay sinabi ni Pagkalinawan na, “malaking factor ang pag-surrender ng mga rebelde, especially with the June 11 surrender of Annie Tauli, secretary of the Ilocos Cordillera Regional Committee of the CPP”.  Isang kahungkagan sa liderato ang sumunod pagkatapos ang pagsuko ni Tauli, sa paniwala ng opisyal ng pulis.
“Nagpasakop” sa Tauli kay dating Phil. Science High School batchmate niyang si NSA chief Hermogenes Esperon noong Hunyo 11 sa Baguio City upang “linisin din ang kaniyang pangalan”.
Ang pamilya ni Tauli, mga miyembro ng angkan at dating kaklase sa Brent School at UP Baguio, gayunman ay pinatotohanan na ang matandang Tauli na tinukoy na isang mataas na lider ng CPP-NPA sa Cordillera at Ilocos Region, ay hindi kailanman nagging NPA.
(AAD/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon