1 patay sa salpukan ng ten wheeler at motorsiklo

Patay ang isa sa salpukan ng ten wheeler dump truck at motorsiklo bandang 2:10pm ng Abril 10, 2018 sa kahabaan ng Brgy. Cabaruan, San Fabian, Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng San Fabian PS na rumesponde sa insidente, ang ten wheeler dump truck na minamaneho ni Luciano De Leon Monda, 48 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Portic, Bugallon, Pangasinan, ay tumatakbo patungong silangang bahagi nang biglang tumawid mula sa timog na bahagi ang motorsiklong Kawasaki Fury MC na minamaneho ni Willy Lacana Vergara, nasa tamang edad, single, magsasaka, habang angkas nito si Camelo Guisa Cagasa, 25anyos, single, construction worker, kapwa residente ng Brgy. Anonang, San Fabian, Pangasinan, nang sumalpok sa kanang bahagi ng dump truck. Ang driver ng motorsiklo at kaniyang lulan ay nagtamo ng matinding sugat at dinala sa Region 1 Medical Center Hospital, Dagupan City, Pangasinan para magamot subalit idineklara ng attending physician na dead on arrival ang driver ng motorsiklo.

Amianan Balita Ngayon